Hazel’s Pov NAKAUWI NA kami sa bahay pagkatapos ng swimming namin na nakakapagod. Mabuti nalang at nakapagpigil pa ako kay Naomi na lunurin siya sa dagat. Nakakainis talaga ang batang yun dahil naglasing kaya lumakas ang loob. Ako ang nahiya sa mga pinag gagawa niya dahil panay na siya tawa at sumasayaw na parang tanga. Naka ilang saway na ang mga pinsan ko sakanya dahil hindi na talaga nakakatuwa ang ginagawa niya. Siguro dahil sa kalasingan ay hindi na niya alam ang ginagawa niya. Mabuti nalang at hindi si Kane ang naghatid sakanya pauwi dahil mananagot talaga siya sa ‘kin. Baka mahiwalayan ko siya ng wala sa oras kahit kakasagot ko lang sakanya kanina. Kaya si ate at kuya Smith na ang naghatid kay Naomi sa bahay nila. Nandito ako sa kwarto ko ngayon at nagpaphingana dahil napagod ako

