Hazel’s Pov AKALA ko titigilan na ako ni Naomi ngunit hindi pala. Pagkatapos ko kasing magbayad sa mga pinamili ko at lumabas ng grocery ay hinabol niya ako at hinawakan ang kamay ko. Masama ko siyang tinignan dahil napaka walang galang sa ‘kin at bigla-bigla nalang ng hihila ang piste. “Ano ba! Wag ka ngang feeling close!” Inis kong sabi sakanya. Isang-isa nalang talaga ay masasabunutan ko na ang batang ‘to. “Gusto ko lang po itanong, ate Hazel.. Bakit ganyan po sa ‘kin? Ano po ba nagawa kong mali at inaaway mo ko ng ganito. Wala naman po siguro, diba? Bakit ayaw mo po sa ‘kin kay Kane?” Tanong niya sa ‘kin sa malungkot na boses. “Gusto mo talagang malaman? Baka umiyak ka dyan kapag ni real talk kita, Naomi.” Mataray kong sabi sakanya saka ko hinila ang braso ko na hawak parin niya.

