Hazel’s Pov FRIDAY NA ngayon at naghahanda na pauwi ang mga pinsan ko. Nagkukunwari akong malungkot na hindi ko sila makakasama na pero ang totoo ay tuwang-tuwa ako lalo na kay Monic. Nandito kami ngayon sa terminal ng bus dahil hinatid namin sila. Hinihintay lang namin na umalis ang bus na sinasakyan nila. Hindi sumama si Kane samin para hindi na naman kami tignan ni Monic. Ayaw ko talaga ang tingin niya samin ni Kane. Akala mo ang linis-linis din niya eh teacher nga niya dati jinowa niya para pumasa siya. Close kasi talaga kami niyan dati kaya lahat ng lihim niya ay alam ko. Dati kasi kaming bumibisita sa bahay nila lola na malapit lang sa bahay nila Monic. Dahil sa close namin at kapag dumadalaw kami do’n ay kine-kwento niya sa ‘kin mga ginagawa niya sa high school life niya. Masyad

