Selene's POV
"Oh gabi ka na ah?" bubuksan ko pa lang ang pintuan ng apartment ko nang makasalubong ko si Ken at Lian, mukhang galing pa sila sa kung saan. I scrunched my nose when I smell alcohol, uminom ang dalawa at hindi ako sinabihan.
I felt betrayed.
"Aba mukhang mayroong ganap at hindi ako sinabihan?" nakasimangot kong sambit habang nakataas ang kilay.
"Hala s'ya! Girl tinatawagan ka namin ni Ken hindi ka sumasagot." Tugon ni Lian.
Magkasama nga pala kami ni Sav at pinatay ko nga pala ang phone ko kaya hindi ko na nareceive ang mga tawag nila. "Oo nga pala, kasama ko pala kanina 'yung bestfriend ko, galing siya rito sa Japan umalis na ulit."
"Huh sino?" nagtatakang tanong naman ni Ken. Talagang magtataka siya dahil sila lang naman ang nakakasama ko tapos wala naman na akong ibang kakilala rito bukod sa kanila ni Lian na OFW din sa Japan.
"Si Savannah, chef sa barko. Huminto yung cruise nila rito kaya nung nag-disembark nakipagkita sa akin." Paliwanag ko.
Kilala naman na nilang dalawa ang mga kaibigan ko, mayroon kasi akong malaking picture frame na kuha naming walo. Yung picture na 'yon ay noong naligo kami sa El Nido, Palawan. Libre lang 'yon sa amin ni Bria t'saka Alezandra, iyong dalawa sa aming walo ang pinaka mapera e, pano ba naman ang magulang ni Brianna ay may-ari ng mga kilalang condominiums sa Taguig, habang si Zandra naman ang mga magulang at pamilya ay matagal nang nasa serbisyo ng politika.
Naalala ko tuloy bigla na nakaswim suit pa kaming walo doon. Yun yung mga panahon na alagang-alaga ko pa katawan ko, ngayon kasi hindi na ako confident sa sarili ko. Matapos ang pangyayari two years ago wala na akong ibang pinagkakaabalahan ngayon bukod sa kumain, matulog, alagaan si Billie at pagurin ang sarili sa pagtuturo.
"Dapat pinakilala mo ako!" reklamo ni Ken.
"Wala may kinakalantari ng seaman." Sagot ko sakanya, agad naman siyang ngumuso. Sa pito kong mga kaibigan ang pinaka-crush ni Ken doon sa picture ay si Bria, s'yempre 'yon ang pinakamagaling mag-project sa pictures.
Natawa naman si Lian at binatukan si Ken. "Asa ka, kahit isa sa mga kaibigan ni Selene 'di ka magiging type no!" pang-aasar ni Lian.
"Bakit gwapo naman ako sabi ng mama ko!" sambit ni Ken habang hawak ang batok na tinamaan ni Lian.
"Tamo Mama mo lang nagmamahal sa'yo." Pang-aasar ni Lian.
"Manahimik na nga kayong dalawa." Napapailing na lang ako habang nakasandal sa may pinto at pinanonood silang magbangayan na parang mga bata. Pupusta ako sa sarili ko, magkakatuluyan ang dalawang 'to.
"Totoo naman kasi Ken, biruin mo ang powerful ng squad ni Selene ha," sambit ni Lian. "Mayroong chef, may model, may lawyer, may sundalo tapos... ano pa ba 'yon, Selene? Ayon! May reporter pa yung Vivian na napapanood na'tin sa Filipino channel kaya kung ako sa'yo Ken h'wag ka na umasa." singhal ni Lian. Natawa na lamang ako, kung iisipin hindi ko maiwasang maikumpara ang sarili ko sa kanilang walo, pero hindi ko naman dapat ikumpara sarili ko sa kanilang lahat.
May direksyon pa rin naman ang buhay ko. Mayroon pa akong mga plano at matutupad rin 'yon.
Kung tutuusin ako ang hindi suwerte sa buhay sa aming walo. Pano ba naman, bukod sa wala na ngang tatay 'yung nanay wala ring pakealam. Buti na nga lang nakapagtapos pa ako, malaking tulong ang scholarship na mayroon ako noon at nakapag-aral ako sa isa sa mga magagandang paaralan sa Pilipinas. I finished my college also, with the help of Bryan.
Tinulungan niya ako sa lahat, pati na rin sa pagpapa-aral ko kay Adam kaya hindi na naging mabigat para sa akin ang pinansyal. Nakaipon din ako dahil iniwanan ako ng pera ng tatay ko sa bangko, 'yon ang ginamit ko para makapunta rito sa Japan. Hindi ko nga dapat gagamitin ang perang itinabi niya para sa akin, kaso kinailangan ko ding gawin dahil gusto kong sumunod kay Bryan, gusto ko siyang makasama rito.
Matagal na naming plano ang pumunta rito at manirahan sa Japan kaso hindi naman nangyari. Nagawa na naming dalawa ang mga bagay na pangarap lang namin noon, 'di ko naman akalain na sa isang iglap lang sisirain niya lahat. Sinira niya lahat, pati ako.
"Hoy, Selene!" matagal na pala akong nakatulala at 'di ko namalayan na nag-iisip na naman ako tungkol sa kanya. Napatingin agad ako kay Lian at Ken na nakakunot na ang noo ngayon.
"Lutang ampotek, kanina ka pa namin tinatanong ni Lian!" napakamot sa batok si Ken at nakakunot ang noo. Napapailing na nanaman dahil alam niya kung saang planeta ako napadpad. "Pwede pa naman na'tin siguro ituloy ang inom d'yan sa bahay mo di'ba?" tanong niya.
"Ah, oo naman!" sagot ko, umayos kaagad ako ng tayo at binuksan na ang pintuan ng apartment ko, sumalubong agad sa akin si Billie at tumatalon pa sa tuwa, sinalubong din niya si Lian at Ken. Kilala na niya ang dalawang 'to. Madalas din kasi sila rito kapag tapos na sila sa trabaho.
Parehas kaming mga ALT dito sa Japan. Mga Assistant Language Teacher, kaso silang dalawa ay T2 ako naman ay T1, kumbaga ako ang main teacher sa classroom set-up habang si Lian at Ken naman mayroong kasamang Japanese Teacher. Pero private tutor din ako rito, tinuturuan ko ang anak ng diplomat na nasa Pilipinas nagtatrabaho, kaya ako nakapasok bilang private tutor ay dahil sa tulong ng Daddy ni Zandra na kakilala ang Japanese Ambassador, kaibigan ng pamilya nila e, nagkakilala sila marahil parehas may posisyon, anak kasi ng Congressman si Zandra.
Nang malaman nga niya na naghahanap si Mr. Yasuwi nang English teacher ako kaagad ang nirekomenda niya. Saktong nasa Japan na ako nung sabihin sa akin 'yon ni Zandra. Laking pasasalamat ko dahil nakapasok ako, mabait ang Yasuwi family, sobrang hospitable at decent ng pamilya nila.
Tuwing Tuesday, Thursday at Saturday ang schedule ko sa kanila, pumupunta ako sa bahay nila at doon ako nagtuturo.
"Kung gusto niyo ng Teriyaki meron d'yan sa ref, lutuin niyo na lang." sambit ko at binuksan ang cupboard para kunin ang dog food ni Billie. Nilagyan ko na ang pagkainan niya at saka siya tinawag, nakikipaglaro siya kay Ken sa sala. "Billie come here!"
"Yan ang gusto ko sa'yo, kaya ang sarap tumambay dito e," natatawang tugon ni Lian.
Binuksan ni Lian ang ref at hindi lang 'yung Teriyaki ang kinuha niya, kumuha siya ng napakaraming itlog. "Sabi ko Teriyaki lang ah?"
"Ssh manahimik ka d'yan, magluluto ako ng omurice. Yown! Buti may kanin pa isasangag ko 'to!" Inirapan ko siya at napailing na lamang.
"Marunong ka na ba?" ilang beses na niya sinusubukang gumawa ng omurice kaso lagi lang nasisira! Pakiramdam ko masasayang lang ang mga itlog na binili ko. I also need to buy another tray of eggs, wala na e inubos nung mga gagamba e. Mga gagambala sa buhay ko.
"Magtiwala ka sa'kin." Kinindatan niya ako at nag-umpisang buksan ang kalan para painitin ang frying pan.
Matagal na niyang inaaral lutuin kung paano ang paggawa ng omurice, medyo komplikado kasi gawin ang recipe na 'yon. Mukha siyang madali tignan pero mahirap gawin. Hindi naman mahirap ang ingredients. Ang kailangan lang naman ay itlog, kanin, chicken breast, peas, ketchup, mushroom at pasensya. Nakakaubos kasi ng pasensya magluto ng recipe na 'yon.
Pwede rin naman siyang gawin sa kahit anong ingredients na gugustuhin ng magluluto.
Kailangan habang niluluto ang scrambled egg binabati iyon sa pan using chopsticks then kailangan sealed iyon ng maayos, the omelette needs to be shaped into a crepe-like form and it must be cooked evenly. The best part, when you slice the center of the egg it will slide across the rice. Just imagine a piece of crossini bread kasi ganun ang shape nung itlog then there's molten chocolates inside, when you slice the top the chocolates will flow. Kaso itlog naman kasi ang omurice so basically ganun dapat ang mangyayari may magfoflow na evenly cooked egg sa omelette.
Mukhang madali lang pakinggan or panuoring gawin but it actually took time for me to make it perfectly.
"Maliligo muna ako, h'wag mong sunugin ang bahay ko." Pagpapaalala ko sa'kanya bago umalis.
"Yes sir!" sagot ni Lian at sumaludo pa habang sinusuot ang apron na nakasabit sa gilid ng ref kanina.
Umalis na agad ako at pumunta ng kwarto para mag-asikaso. Kumuha na ako ng mga damit sa closet, napalingon agad ako nang marinig kong tumili si Lian mukhang nagulat o ginulat, pagtapos no'n ay nakarinig ako ng kaldero na mukhang inihampas sa kung saan. Malutong ang tunog, mukhang sa ulo ng tao tumama o pinatama? Malamang ginulat ni Ken si Lian.
Ewan ko sa kanila bahala sila kung magpatayan sila, huwag lang masunog ang kusina ko o masira ang mga gamit ko, mahal ang cost of living sa Japan kaya ayokong masiraan ako ng gamit o nang kahit ano.
Walang pakealam na binuksan ko ang shower at nag-umpisa nang maligo. Nagsuot lang ako ng sweat pants at black fitted shirt nang matapos akong maligo. Pagkalabas ko ng sala ay naka-ayos na ang lamesa at si Lian ay tinatapos na ang mga niluluto niya.
"Nasa'n si Kenny boy?" tanong ko nang mapansing wala siya.
"Tinapon ko na 'yung katawan napalakas yung pukol ko ng kaldero sa ulo e," walang pakealam na sagot ni Lian. "Char! Pinalabas ko para bumili ng beer sa convenience store, nand'yan lang 'yon sa baba paakyat na rin 'yon."
Maya-maya ay dumating na nga si Ken na may bitbit na isang plastic ng Asahi beers, favorite drink namin 'to kapag gusto naming uminom. Hindi naman siya nakakalasing ganunpaman, masarap ang uminom ng beer sa Japan lalo na kapag malamig ang panahon. Nang matapos naming ayusin ang kakainan ay umupo na kami sa sala, pagkaupo pa lang ay sinabayan na kaagad ng reklamo ni Ken tungkol sa pagkaing niluto ni Lian.
"Taragis na omurice to parang ginataang itlog!" reklamo ni Ken na napapakamot ngayon sa ulo kahit hindi makati.
"Arte mo h'wag kang kumain ha!" kinuha ni Lian ang mga plato at nilayo lahat kay Ken.
"Huwag ka nga! Kay Selene 'tong foods kaya hindi mo ko pwedeng pagdamutan ng pagkain!" hinila ni Ken ang plato ng Teriyaki kay Lian at nag-umpisa nanaman silang dalawa magsabong habang ako naiirita na!
Hindi talaga ako magkakaroon ng tahimik na buhay. Ano 'to sumpa!? "Kapag hindi kayo tumahimik parehas kayong hindi kakain." Inayos ko na kaagad ang upuan namin nang matapos silang magbangayan.
"Ang hirap naman gumawa ng omurice! Selene, turuan mo na ako." Nakangusong sambit ni Lian, kahit ako hindi ko maintindihan kung anong luto ginawa niya sa omurice pero isa lang ang masasabi ko ang linya ni Chef Gordon Ramsay. Traumatic dinner, more of a f****d up dinner.
Mas maigi sana kung naging sisiw na lang sa ref ko ang mga itlog e 'di sana hindi nasayang ni Lian.
Nag-umpisang buksan ni Ken ang TV at nagsalang ng CD, trip nilang manuod ng horror. Hindi ko alam kung saang impyerno nila nakuha 'tong movie pero napapamura ako. Hindi nagbabago ang ekspresyon ko pero napapamura naman ako dahil sobrang dami ng jump scare nung movie.
"Taena naman, hindi ako nalasing, natakot lang ako! Hoy Lian, ikaw na umubos ng Teriyaki." sambit ni Ken habang humigop muli sa can ng beer. Si Ken ang malakas mag-aya pero matatawa ka dahil siya ang pinakaduwag.
Nang matapos ang movie ay nagligpit na rin kami, habang si Lian ay nakatulog na sa upuan. Malamang ay napagod ito sa trabaho, pinayagan kasi siya ng agency niya na magkaroon ng sideline. Magiging waitress na ata siya sa isang coffee shop, hindi ko lang alam kung saan dahil 'di pa niya nababanggit sa akin.
"May papasukan na 'yan?" tanong ko habang nakaturo sa babaeng nakadapa sa sofa ko.
"Oo, sinamahan ko siya kanina, pagtapos nung interview nag-aya uminom. Harot nga niyan e, pano 'yung nag-interview sa kanya gwapo. Pinoy nga e, siya may-ari nung coffee shop." Sambit ni Ken. Hinuhugasan niya ang mga pinagkainan namin ngayon.
"Suwerte niya kung ganun." tugon ko.
Sa totoo lang, hindi madali ang maghanap ng sideline rito, kailangan pang kausapin ang agency tungkol do'n. May iba kasing agency na mahigpit, mayroon namang hindi gaya nung agency ni Lian. Sobrang sipag din magtrabaho nitong dalawa, si Ken naman nagtatrabaho rin siya sa isang convenience store bilang cashier. Si Lian kailangan din talagang kumayod kasi parehas kami ng sitwasyon, siya ang bread winner ng pamilya nila, nagpapaaral din siya ng kapatid na high school na ngayon. Si Ken naman nag-iisang anak kaya walang masyadong problema sa buhay pagdating sa gastusin.
"Mabait yung lalaki e, buti nga may kababayan tayo dito na may-ari pa ng ganung business mukhang yayamanin 'yung lalaki. Kaso alam mo 'yon mukhang suplado pero first impression ko lang naman 'yon sa kanya. Sabi naman ni Lian nung nakausap niya sobrang bait daw." Kwento niya.
"Ako nga mukhang mabait pero mataray." Sagot ko,
"Hindi rin, wala kang bait sa itsura mukha ka kayang grim reaper." Sambit ni Ken habang tumatawa.
"Anong grim reaper?!" My brows furrowed.
"Lagi ka kasing nakaganito," Ken pointed his face and imitated me, he furrowed his brows and made a fierce face. "Mukha ka kasing may papatayin tapos lagi ka pang naka-black dapat nga hindi chalk hawak mo e, dapat eskriba." Dagdag pa niya.
"Kung may papatayin ako, uunahin kita." Sagot ko.
"Tamo 'to, joke lang e! anyway kanino pala galing 'yung chocolates na dala mo kala mo 'di ko napansin, ikaw ha!" napansin pa pala niya 'yon! "May nanliligaw na ba sayo? Bakit 'di ka nagkekwento!" singhal ni Ken.
"Kasi wala naman akong ikukwento." Pambabara ko sa kanya.
Tinignan niya ako ng makahulugan at halatang hindi naniniwala sa akin, napailing na lamang ako at inirapan siya. "K, sabi mo e. Pano pala 'yan si Lian? Mukhang nakipagtagpo na 'yan sa mga tupa."
"Ako na bahala d'yan." Tinignan ko muli si Lian na ngayon ay nakadapa na sa sofa at humihilik pa, mukhang pagod na pagod nga siya. Tinulungan ako ni Ken na ligpitin ang sala, kumuha na rin ako ng kumot sa kwarto at kinumutan si Lian.
"May pasok pa 'yan bukas ng alas-otso, gisingin mo na lang siya ng six para makapag-asikaso pa, sabay kami bukas e." Paalala ni Ken bago umalis.
Dalawang bahay lang naman ang pagitan ay apartment na ni Lian, sila ni Ken ang magkatabi ng apartment. Pagkasarado ko ng pintuan nakaupo sa tapat ko si Billie mukhang hinihintay niya ako, hindi kasi 'to matutulog hangga't hindi niya ako nakikitang humihiga.
"Let's go Billie," sumunod naman siya sa akin, pagkahiga ko ay umakyat naman siya at humiga sa bandang paahan ko, doon ang sweet spot ni Billie. Hindi matutulog ang asong 'to sa kahit saan dahil mas sanay siyang dito matulog sa tabi ko.
Hindi pa ako gaanong inaantok so I decided to open my IG account. Saktong pagbukas ko ay picture kaagad ni Bria ang lumabas, bikini photo ito, mukhang nagbabakasyon siya sa beach. Nauna nang magcomment ang mga kaibigan ko sa picture niya.
sie_pineduh: apakan mo po ako babaeng brown ang buhok!
savmendoza: napakalaki! nang puso mo baduday char! tara iluto na kita ang hawt mo!
veesantos: idol pa-autograph naman ako sulat mo sa noo ko!
abigolperez: dapat ako na maging maniniyot mo sa susunod:( anw, anong deo gamit mo?
zandraferrerohan: all rise! honorable brianna alisson diaz slayin, ulalam!
lexi_legaspi: babarilin ko ulo ng mananakit kay @briadiaz! dalawang ulo kapul.
Natawa agad ako dahil trolled na ang comment section ni Bria dahil sa kalokohan ng mga kaibigan ko, ang titino ng ibang comments e, pagdating kay Sierra nasira agad. Nagcomment na rin ako para kumpleto na.
selenedevzfernandez: pano 'yang ganire, paturo lods?
Agad namang nagcomment si Bria at minention kaming pito. Ang sabi pa ay mga wala raw kaming magawang matino sa buhay. Tinawanan lang namin ang reply niya. Hindi ko tuloy maiwasan ang mamiss silang bigla, matagal ko na silang hindi nakikita kung mag-uusap man kami ay hindi na ganun katagal dahil sobrang busy na rin kami sa trabaho. Minsan ay nagkakaroon kami ng video call sa GC naming walo pero madalas ay hindi na kaya na makumpleto kami roon.
Kung makumpleto man sobrang bihira pa. Well, you know you're aging when you have priorities. We both have careers and focuses in life that we need to prioritize.
Ako naman kumpara sa kanila, marami pang kakaining bigas kaya kailangang magkayod-kalabaw dahil wala akong ibang inaasahan kung hindi sarili ko lang. Wala naman akong magulang na aasahan kaya ako lang ang makakatulong sa sarili ko. Kaunting panahon na lang din makakapagpatayo na ako ng business ko. Mayroon na akong inspiration sa magiging coffee shop ko.
Nagagandahan ako sa coffee shop na pinuntahan namin ni Sav, binigyan ako ng idea ng coffee shop na 'yon para sa plano kong ipatayo. Gusto ko ay yung aesthetic-themed café tapos yung color ng coffee shop ay beige at cream white para mukhang cozy sa paningin. Ang plano kong pangalan ng coffee shop ay Moonlight's Valley. Tutal ang meaning naman ng name ko na Selene ay moon kaya ganun ang naisip ko pero, depende pa, may chance pa na magbago.
Pinatay ko na ang phone ko at umayos nang higa. I was staring at the ceiling for a very long time, until my mind drifted to Bryan. Ayoko na sana siyang maalala dahil bumabalik ang sakit na naramdaman ko, ganunpaman hindi mawala sa isip ko ang mga tanong na kumusta na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya?
Kung narito lang sana siya sa tabi ko malamang mayroon na akong engineer na mag-aasikaso ng coffee shop na plano kong ipatayo, siguro hindi na ako mahihirapan sa paghahanap ng idea dahil panigurado ay marami siyang suggestions na ibibigay. His passion in engineering was amazing and that was one of the aspects I love about him. He was a career-oriented person and also... a family-oriented man. Yung gano'n niyang ugali ang rason kung bakit hindi ako natakot itaya ang sarili ko sa kanya.
Alam ko kasi na hindi siya kagaya ni Papa na bigla na lang tatalikod sa pamilya dahil 'yon ang pinakita niya sa akin. Bukod pa roon, gano'n din ang pagkakakilala ko sa'kanya. Isa 'yon sa mga rason kung bakit nagtiwala ako nang sobra kay Bryan. Wala siyang ibang pinakita sa akin kung 'di kabutihan, pagmamahal at mga plano niya sa buhay kung saan kasama ako doon.
Kasama ako...
Hindi ko namalayang tumulo na ang mga luha sa aking mata, bumigat bigla ang nararamdaman ko at sa mga sandaling 'yon sinampal muli ako ng katanungan. Bakit hanggang dito lang kami?
Mag-uumpisa pa lang sana kami sa panibagong yugto pero bakit tinapos na niya kaagad? Hindi pa nga namin nararating ang dulo ng daang tinatahak naming ngunit humiwalay na siya kaagad ng daan. Magkahawak kami ng kamay habang binabagtaas ang lahat ng pagsubok sa bawat daang tinatahak namin ngunit sa isang iglap lang, naiwan na akong mag-isa.
He left so suddenly that right before I could even hold his hands he vanished and slipped away. My tears went on that night. My sobs were unheard by the world but my pain was screaming. I could not even move on because I was so messed up by the time he left me, sinira ako nang sobra nang ginawa niyang pagtalikod sa akin. Doon ko napatunayan na kahit gaano kayo katagal kung gusto nang bumitaw ng taong mahal mo, bibitaw 'yon sa'yo.
Ang pinakamasakit na hindi ko matanggap ay nangako siya. Nangako siya sa'kin na hinding hindi niya gagawin ang ginawa ng Papa ko. Hindi niya ako iiwan o sasaktan kahit anong mangyari. My father was the first man who hurt me and the man I trusted my heart to not break it, did the same. Right there I sworn I will never love again, paano pa ako magtitiwala... natakot na ako.
Natakot na akong magtiwala dahil masasaktan lang naman ako sa huli. Hindi ko na kakayanin ang masaktan pang muli at itinatak ko na sa puso ko na siya na ang huling taong minahal ko.
I could not even move because the memories were stuck in me... I could not even smile genuinely because of this pain...I could not even love myself because every night I questioned my worth...
And these pain and brokenness was enough to put a sign of dead end to my trail, there is no way I would open my heart again.