Chapter 1

2499 Words
Note: This chapter contains strong languages. Read at your own risk! *** Ma'am Fernandez take these chocolates as a sign of my adoration for you. Sutekina tsuitachi o! "Grabe naman 'yan Ma'am Fernandez child abuse 'yan ha!" pagbibiro sa akin ng kaibigan ko, inis ko siyang inirapan habang itinulak ang box sa'kanya. "Ewan ko sa'yo Savannah." Mataray kong sambit, "kuhanin mo na 'yan aanhin ko 'yan." "Aba s'yempre kakainin mo binigay nga 'yan sa'yo ng student mo e, infairness galing na mag-english ah, galing mo magturo ha, by the way gwapo ba?" nakangiti niyang tanong, mas lalo ko siyang inirapan. Bakit niya 'ko tatanungin kung gwapo, ilang taon pa lang ang estudyanteng tinuturuan ko, twelve years old pa nga lang 'yon e. Anak ng diplomat ng Japan. Nag-aaral ito ngayon ng English dahil kinakailangan na matutunan niya ang pakikipag-usap gamit ang English at dahil na rin mayroon silang business sa bansa. "Bata pa 'yon ano ka ba? Gulo mo, anong oras ka pala aalis?" tanong ko, kulang sa harot 'tong Savannah na 'to e, kahit gwapo ang estudyante ko hindi ko ipagkakatiwala sa'kanya mamaya siraiin pa niya buhay eh. "Eto talaga! Alam mo grabe ka pagkababa ko pa lang ng barko ikaw agad iniisip kong bisitahin tapos tinatanong mo na ako kaagad kung kailan ako aalis, shocks tatanda ka na talagang dalaga niyan sa katarayan mo, sige ka." Pagbabanta niya. Wala naman akong pake kung tumanda akong dalaga, wala na sa isip ko ngayon ang pag-ibig. Nako! Walang magandang dulot 'yan. Simula noong mag-focus ako sa trabaho lahat na ng magagandang pangyayari sa buhay ko ay nakukuha ko na. Lumalaki na ang ipon ko at plano kong mag-invest sa mga business para mas lalong lumaki ang pera ko. Isa lang naman ang pinag-aaral ko, ang kapatid kong lalaki na si Adam, graduating na siya sa kursong LegMa. Kailangan ko na rin mag-ipon dahil next year na siya ga-graduate, gusto kong naroon ako lalo na't running for Summa c*m Laude ang kapatid ko. "Kunin mo na nga 'yan tapos manahimik ka na, ingay mo eh," sambit ko sabay higop sa kape na inorder naming dalawa. "So, hindi mo ako tatanungin sa buhay-buhay ko?" nakanguso niyang sabi. Tinaasan ko siya ng kilay, panigurado tungkol na naman sa kaharutan journey ito ni Savannah. Siya ang pinaka malandi sa aming walong magkakaibigan sumunod ay si Vivian. Habang ako, oo, ako na nga ang tatandang dalaga sa amin dahil ang iba sa mga kaibigan ko ikakasal na at 'yung iba naman ay nag-tatravel na kasama ang mga boyfriend nila, nakangiwi ako habang iniisip ang mga lovelife nila. Napaubo ako bigla dahil kumapit ang pait ng kape sa lalamunan ko, bakit ba roasted black coffee ang inorder ko? "Oh, ano ba 'yan mukhang kukuhanin ka na ng langit sa sobra mong katarayan, bawas-bawasan mo nga kasi, tumatanda kang bugnutin." Natatawang sambit ni Sav habang iniaabot ang tissue sa akin. Hinablot ko iyon at pinunasan ang labi ko. "Kumusta ka naman?" tanong ko, habang sumimsim muli sa kape, nakatingin ako sa labas habang sinisilip ang mga taong dumaraan. "So, ayon na nga, after ilang years nang pagiging maharot napagdesisyunan ko nang hindi na ako haharot kahit kailan." Siguradong sagot ni Sav. Nabuga ko agad ang kape nang 'di oras. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maniniwala na lang talaga kay Savannah. Ganunpaman, natawa pa rin ako. Tama, hindi dapat ako maniwala, ilang beses na niyang sinabi sa'kin 'yan e. Simula high school pa lang ata? "Ewan ko sa'yo, ilang beses mo nang sinabi 'yan. Nako tigilan mo nga ako Sav." I rolled my eyes while sipping through the cup. "Seryoso kasi." Nakanguso niyang pagdadahilan, "inlove ako sa seaman, sa captain namin sa barko." Pakiramdam ko kumukulo ang ininom kong kape sa loob ng bituka ko, napangiwi lalo ang labi ko at salubong ang kilay nang tignan ko siyang muli. Sa lahat ng pwede niyang mahalin seaman pa talaga? Hindi ba totoo ang kasabihan na 'basta seaman, seaman loloko'. Proven and tested na 'yan sa tatay kong kumalantari ng blondie na babae paglapag ng Canada. Simula noon, hindi na siya bumalik. Hindi na rin kami umasa nila Mama. "Pwe, seaman." Tugon ko. Nalalasahan ko ang pait ng kape ko. Bakit ba ang pait ng kape ko ngayon? Badtrip ako sa mga seaman tapos seaman pa na-inlove 'tong si Savannah. "Manloloko 'yang mga 'yan kung ako sa'yo totropahin ko nalang." "No, jojowain," napatingin agad ako sa'kanya, nanlalaki ang mga mata. "Sav, jusko naman bakit seaman pa sasaktan ka lang n'yan!" naaasar kong sambit. "Iba siya Devi, 'yung seaman ko napakabait tapos sobrang gentleman. Ang judgemental mo sa seaman ko." Nakanguso niyang tugon. Inirapan ko lang siya, "kapag ikaw sinaktan niyan, lalagay ko 'yan sa propeller ng barkong pinapatakbo niya tapos lulunurin ko yan sa Pacific Ocean." "Alam mo 'di ka dapat maging teacher kausapin ko nga jowa ni Vee ipasok ka sa mga p*****n na movies, bagay sa'yo maging killer. Super bitter mo dapat ma-inlove ka na ulit." She said while looking at me pouting. "Inlove-inlove na 'yan, ay nako mahal ang bigas." Asar kong tugon, sabay iwas ng tingin, ayoko nang pinag-uusapan ang mga ganito mabilis akong masura. Naaalala ko lang ang bagay na 'di na dapat pang alalahanin. "E, ikaw Devina kumusta ka naman ngayon?" pagtatanong ni Sav, habang kinakain na ang blueberry cheesecake ko. Saksakan ng takaw talaga itong babaeng 'to e, matapos ubusin yung kanya 'yung akin naman 'yung tinitira. "Hindi ako okay." Sagot ko. "Bakit? Tell me, I will listen." She said while munching my cake. "Kinuha mo kasi 'yung pagkain ko." Hinablot ko ang plato sa'kanya, "yang chocolates ang kainin mo h'wag ang cake ko, pwede ba?" "Pakataray." Kinuha niya ang box saka binuksan ang isang bar ng Snickers, "pero seryoso, kumusta ka naman?" I sliced a piece of cake and looked away, hindi ko alam ang isasagot ko sa mga gan'yang tanong. Ang alam ko okay naman ako e, kumikita ako ng maayos at nakukuha ko naman lahat ng gusto ko, pero may mga panahong kahit ako tinatanong ko ang sarili ko kung okay ba ako? Kung okay na ba... talaga ako? Ewan ko, hindi ko rin alam. Basta isa 'yan sa mga tanong na iniiwasan kong sagutin. I sighed as I saw myself on the reflection of the mirror. "Uy kinakausap kita, tignan mo kaya ako." Sav rolled her eyes the moment I looked at her. "O-okay naman ako, Sav." Sambit ko. Kumagat muli ako sa cake at umiwas ng tingin She just scoffed and rolled her eyes. "Sinungaling." Bulong niya. "What? Totoo naman kasi, my goodness, do you think I'm not okay? It's been years." Sagot ko. Ngayon siya naman ang naiinis sa akin. Umiwas na kaagad ako ng tingin para maiwasan ang mga follow-up questions niya. "Sinungaling, Devina. H'wag nga ako! Kilala kita, you can't look at me when you're lying. Mas kilala pa kita kaysa d'yan sa ex-groom mong walang bayag na tinakbuhan ang kasal niyo." Naiinis na sambit niya. "Savannah, could you please lower your voice, naririnig ka ng mga tao." Pagsasaway ko sa'kanya. "E, ano naman? Hindi naman nila maiintindihan kung ano 'yung sinabi ko, kahit sabihin ko pa ang tumbong o bila-." Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang may tumikhim sa likuran niya. Napalingon kaagad si Sav at napatingin rin ako sa gawing likuran. Nakita namin doon ang isang lalaking naka-gray shirt na nakatalikod sa amin, bigla itong tumayo hawak ang isang libro at baso ng kape sa kamay nito, nakasalamin siya at matangkad rin. Pinadaanan niya kaming dalawa ni Savannah ng tingin saka ito lumipat ng upuan. Sa malayo siya umupo, sa dulo kung saan sapat na upang hindi niya na marinig ang usapan namin ni Sav. "Ay, shet." Gulat na sambit ni Sav. Akala ko naman ay nagulat ito na mayroong nakarinig sa kabastusan niya pero ang gulat niya pala ay dahil mayroon siyang nakita na, "kababayan!" sigaw ni Sav doon sa lalaki habang kinakawayan ito. Napasapo agad ako ng noo dahil sa hiya, tago kong tinitigan ang lalaki na ngayon ay nakakunot na ang noo sa'kanya. Tinanguan niya lang si Sav saka bumalik sa librong binabasa nito, walang ekspresyon ang mukha. "Ang taray naman, alam mo bagay kayo n'yan, parehas kayong attitude." Nakangiti niyang bulong habang nagtataas-baba ang kilay, puro kalokohan talaga naiisip nitong babaeng 'to. "Manahimik ka na nga Savannah Erin! Napaka-ano mo lumayo na tuloy 'yung tao dahil sa'yo," sambit ko. "Ay bakit gusto mong dito siya malapit sa'tin, crush mo na ba?" kumikislap na ang mga mata niya habang pinapalakpak pa ang mga kamay na parang bata, minsan gusto ko nang sungalngalin 'tong si Sav. Buti na lang talaga ay hindi namin kasama si Sierra ngayon kung hindi lalapitan niya pa 'yung lalaking nanahimik. Makapal mukha no'n eh. "Hindi ano ka ba, tumigil ka na nga nakakahiya na roon sa tao e," suway ko sa'kanya. "Ikaw na nga hinahanapan ng lovelife ikaw pa umaangal, ayokong tumanda nang walang inaanak sa'yo no!" reklamo niya. "Tumahimik ka na Savannah, ako nga wala pang inaanak sa'yo, t'saka wala na sa isip ko 'yan. Kung may dumating bahala siya d'yan kung wala, e 'di mas okay!" Asar kong tugon. Natapos ang pangungulit sa akin ni Sav dahil tinawagan siya ng crew niya na kailangan na niyang bumalik ng deck ngayon, nakakalungkot rin dahil ako na naman ulit pero kapag lagi kami nitong magkasama walang pahinga ang tenga ko sa'kanya. Hindi rin ako pwede na may kasamang magulo lalo na't kailangan kong mag-focus sa mga ituturo ko sa estudyante ko. Mas lalo akong walang magagawa kapag katabi ko 'to si Savannah. High school pa lamang kami nila Sierra napapagalitan na kami dahil pasaway itong Sav na 'to e, ilang beses na s'yang napalabas ng room, siyempre nadadamay kami ni Sierra. Kaso nga lang balewala naman kay Sierra kung mapalabas siya. Isa pa 'yon, rebelde sa buhay 'yung babaeng 'yon. Nabansagan pa nga kaming SSS dahil sa pangalan namin tapos kaming tatlo pa yung magkasama lagi, Sierra, Savannah tapos ako, Selene. Ngayon nga wala na akong balita kay Sierra, hindi na siya gaanong nakikipag-usap sa akin. Malamang nga ay nag-seseryoso na sa buhay 'yon ngayon, sana. "Babye na bebe ko," nakangusong sambit ni Sav, sabay yakap sa akin ng mahigpit. Gusto ko pa sana siyang ihatid sa port kaso ayaw niya dahil baka pagod na raw ako. "Mamimiss kita nang super duper." "Will miss you too." Sagot ko at niyakap siya pabalik, "thanks for the visit." Nakangiti kong tugon. "It's nothing, tawagan mo 'ko ha? Lalo na kapag nafi-feel mong malungkot ka or naho-homesick ka, kahit nasa dagat ako tatalunin ko talaga 'yung barko tapos lalangoy ako pabalik dito sa Japan." Natawa na lang ako sa sinabi niya, I barely laugh nor smile kapag ako lang nandirito. Wala rin namang rason para tumawa ako, pagkamalan pa akong baliw e. "Gawin mo 'yan ah pag hindi mo ginawa 'yan itatali ko talaga sa propeller ng barko yang seaman mo." Pagbabanta ko. "Oy s'yempre joke lang. Napaka talaga nito! Mag-jowa ka na nga gusto ko pag nagkita tayo may jowa ka na ha! Gurang ka na e, padilig ka na ulit girl kaya ka sinusumpong ng ganyan." Napangiwi na lang ako at inirapan siya habang napapailing. Hindi talaga mananahimik 'tong babaeng 'to! Jusko buti nalang at hindi ko kasama lahat ng kaibigan ko ngayon kung hindi ako ang pagdidiskitahan ng mga 'yon. "Manahimik ka na nga Savannah, pumunta ka na ng barko baka naghihintay na seaman mo sa'yo, magpadilig ka na rin nang manahimik ka na." Naaasar kong sambit. "Hindi ka sure, mas lalo akong iingay no'n!" malandi niyang sambit. "Kiss Billie for me!" Hindi ko maiwasang hindi mandiri sa pinagsasabi niya. Savannah and her endless kalandian! "Okay!" sagot ko. We bid our goodbyes once again, medyo naluha pa si Sav kaya naman tinawanan ko lang siya, nagalit pa siya sa'kin dahil bakit hindi man lang daw ako naiiyak na aalis na siya nagdrama pa nga na hindi ko man lang daw siya namimiss. Namimiss ko sila s'yempre kahit si Sav miss na miss ko nang sobra, lahat ng kaibigan ko at ang pamilya ko s'yempre pero kapag nagsalita pa ako nang kahit na ano iiyak lang 'to lalo e, ayoko na ng drama sa buhay, one drama is enough! Sapat na siguro 'yung yakap na mahigpit ko kay Sav para malaman niyang namiss ko din siya. Pagkasakay niya ng cab ay kumaway na ako sa sasakyang paalis, dumungaw pa si Savannah sa bintana ng cab at naluluhang kumaway sa akin at nag-flying kiss pa. I shook my head and chuckled as I watched her transport go. Kumaway ako pabalik at napabuntong hininga na lamang. Unti-unti kong naramdaman na bumalot na sa puso ko ang lungkot. Pamilyar na lungkot na kinasayanan na ng mga kagaya kong nasa ibang bansa. Lungkot na mag-isa, lungkot na mayroong kulang sa loob ng puso, lungkot na mayroong paghihinagpis na sana'y kasama mo ang mga taong malapit sa'yo. Ibinalot ko ang jacket sa aking sarili, nagbabakasali na maibsan ang bigat ng nararamdaman pero mas lalo ko lang naramdaman ang lamig na nagpaalala sa'king muli na malungkot ako. Kapag ako na lang mag-isa saka ko lang tinatanggap ang katotohanan na hindi ako masaya. Dahil sa harap ng ibang tao, matapang, malakas at buo ang loob ko lalo na sa harap ng mga estudyante ko. Narinig kong tumunog ang bell ng pintuan ng café shop, sign na mayroong pumasok o di kaya ay lumabas sa loob ng shop kung saan kami galing ni Sav kanina, 'yun na rin ang naging cue ko para bumalik sa katinuan. Napabuntong hininga na lamang ako at nagsimulang maglakad papunta sa taxi. "Ma'am, wait is this yours?" napalingon agad ako ng mayroong tumawag sa akin. Hawak niya ang box ng chocolates ko na naiwan din pala ni Sav sa sobrang pagmamadali. Lumapit agad ako sa'kanya para kuhanin ang box, siya rin 'yung lalaking naka-gray shirt kanina na lumayo sa amin ni Sav. Nakaramdam tuloy ako ng pagkahiya dahil naalala ko ang pinagsasabi ni Savannah kanina. I wonder how much did he heard? Hindi ko din napansin kung kanina pa siya nakaupo doon sa likuran ni Sav. "Salamat," nahihiya kong tugon at kinuha ang box sa'kanya. Paalis na ako nang tawagin niya ako muli. "Wait." Napakunot na ako ng noo, bakit ba s'ya tawag ng tawag? "What?" tanong ko. "If someone gives you chocolates if you can't appreciate it, don't leave it somewhere." And with that, he left. My jaw dropped unbelievably, it's not what he think! I wasn't supposed to leave the chocolates! How could he say that! Of course, he probably heard our conversation earlier about the chocolates. Isa pa wala naman akong balak iwan 'yon, ibibigay ko nga dapat kay Savannah eh. Napasapo na lamang ako ng noo at inis na sumakay sa taxi. Hindi ko maiwasang hindi maasar. He got it all wrong tapos may gana pa akong pagsabihan. Sino ba 'yon at sino ba siya para pagsabihan ako ng ganoon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD