Kinaumagahan ay maaga akong nagising, halos hindi pa sumisilip ang araw sa bintana ng aking silid. Mabigat ang pakiramdam ko, tila may nakaambang panganib na hindi ko maipaliwanag. Gayunpaman, buo na ang pasya ko. Ngayong umaga na kami aalis. May usapan kami ni Ismael, kahit pa ramdam kong labag iyon sa loob niya. Tahimik kong inihanda ang aking mga gamit. Ilang damit lamang ang isinilid ko sa bag, sapat para sa ilang araw. Hindi ko alam kung saan kami tutungo, basta ang alam ko, kailangan naming umalis sa lugar na ito. Dahil nais ko na makaharap ang aking ama. Huminga ako nang malalim bago tuluyang lumabas ng silid. Ngunit pagbukas ko pa lamang ng pinto ay bigla akong napahinto. Naroon si Ismael. Nakatayo siya sa mismong harapan ko, seryoso ang mukha, bakas ang galit at pag-aalala sa

