Icey POV Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatayo sa bungad ng pinto. Parang naestatwa ako—o baka naman nag-freeze ang buong mundo at ako ang naiwan sa eksaktong sandaling iyon. Hindi ko iyon inaasahan. Hindi ko iyon gustong makita. At lalong hindi ko maintindihan kung bakit… bakit ganoon kasakit. Nanginginig pa ang daliri ko nang maisara ko ang pinto. Hindi ko alam kung sinadya ko bang malakas iyon o sadyang hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Humigpit ang hawak ko sa gilid ng pinto. Ramdam ko ang mabilis at magulong t***k ng puso ko, parang may gustong kumawala. Parang hindi ko mabalanse ang hininga ko. Bakit ba ako apektado? Hindi ko siya kilala. Kahapon ko lang siya nakilala. Isang araw pa lang siyang bodyguard ko. Isang estrangherong inupahan para protektahan ako. Hin

