Kinaumagahan ay abala na ang lahat sa paparating na salo-salo. Para sa pagdating nina Dominic dito sa mansion. Ito ang kaunaunahang beses na pupunta sila dito. Ito rin ang araw na pinakahihintay ng lahat para ipagkasundo ako dito. Sa kasalukuyan ay nasa akin silid ako kasama si Trina. Pareho nakatulala at tila malalim ang iniisip. "Icey, sigurado kana ba dito?" Tanong na wika nito sa akin. Napabuntong hininga ako sa harapan niya at seryosong tiningnan siya. Hindi ko alam, sa totoo lang ayoko makasal sa kanya ngunit wala akong pagpipilian. "Para saan ba ang kasal na ito?" Tanong ni Trina sa akin. "Hindi pa ako handa para ipaalam ang lahat ng ito kaya isang ngiti lang ang sinukli ko sa kanya. Para saan pa ba, Trina? Para ito sa future ng company namin." Alam mo masyadong magulo ang

