Hindi ako agad natulog nang gabing iyon. Nanatili akong nakaupo sa gilid ng kama, suot pa rin ang manipis na robe. habang pinagmamasdan ko ang magandang tanawin sa labas ng aming mansion. Masyadong madilim ngunit may mga ilaw na siyang nag sisilbing liwanag sa buong paligid. Sa bawat segundo, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang iisang tanong. Ano ba talaga ang papel ni Dominic sa lahat ng ito? Hindi siya tulad ng inaasahan ko. Hindi siya padalos-dalos. Hindi rin siya seryoso at palaging nakangiti sa harap ng maraming tao, at iyon ang bagay na nakakaalarma. ang uri ng ngiti ng taong sanay magtago ng impormasyon at gumamit nito sa tamang oras. Tumayo ako at binuksan ang drawer sa tabi ng kama. Doon ko inilabas ang maliit na notebook na palagi kong dala. Walang label, walang marka

