Pagbalik namin sa bulwagan, para akong pumasok sa isang entablado na kabisado ko na ang iskrip. Ngunit ngayon, alam ko nang may patalim sa likod ng kurtina. Nagpalakpakan ang mga tao nang makita kaming magkasama. May mga matang kumikislap sa tuwa, may mga matang nagsusukat, at may ilan-ilang pamilyar na mukha na tahimik lamang, parang may malalim na iniisip. Agad akong sinalubong ni Trina. “Icey,” bulong niya habang inaayos ang laylayan ng aking bestida, “maayos ba ang usapan ninyo? ” Ngumiti ako. Ang uri ng ngiti na matagal ko nang pinraktis. “Maayos,” sagot ko. “Malinaw.” Hindi ko alam kung ano ang mas ikinabahala niya, ang sagot ko, o ang paraan ng pagkakasabi ko. Sa kabilang dulo ng bulwagan, nakita ko ang ama ko na kausap ang ama ni Dominic. Pareho silang seryoso, parehong sana

