HERMES “IT'S been one month magmula nang umalis si Felicity. Hindi pa rin nahuhuli si Anica.” Napaiiling na sabi ni Jaxson. “Sigurado akong tinatago ni Reynaldo ang kapatid niya. Kahit itanggi niya pa, hindi niya maitatagong concern siya sa kapatid.” May galit sa boses ni Jaxson. “He deny it,” sagot naman ni Kaleb. Tumango ako pagsang-ayon sa sinabi nito. “Kailangan mong pa-imbestigahan ang lalaking iyon. Sigurado ako at nararamdaman kong tinatago niya si Anica sa isang safe place.” Singit ni Jaxson. “I think of that. Honestly, may doubt ako sa mga sinabi niya.” Pag-amin ko. “So ano pa ang ginagawa mo kung may doubt ka sa sinabi niya. Kailangan mo ng kumilos. I think may kinalaman si Anica sa paglayo ni Felicity. Isipin mo ito, nagkataong nakatakas si Anica then nagpasya si Feli

