HERMES NAGING successful ang eye operation ni Felicity. Ilang araw din siyang nanatili sa ospital at nakalabas na rin siya. “Hermes, you need to know this,” sabi ni Kaleb nang pumasok sa opisina ko. He looks so frighten. Nangunot ang noo ko at nagtataka sa kinikilos ni Kaleb. Pinagulong ko ang wheelchair ko at lumapit kay Kaleb. “Ano’ng kailangan kong malaman? Importante ba iyan kaya ganyan ang hitsura mo parang takot na takot?” Ani ko. “Nakatakas sa kulungan si Anica.” Nagulat ako sa sinabi niya. “How?” Tanong ko. Mahigpit ang seguridad kung saan nakakulong si Anica. Paano siya nakatakas? Maliban na lang kung may tumulong sa kanya! “I think her brother helped her to get away. That asshole,” sabi ko. Sinungaling ang lalaking iyon. Sinasabi niya lang na tutulong siya, ngunit kabaligta

