IBINAGSAK ko agad ang aking katawan sa kama pag-uwi ko. Kwarto ko agad ang tinunton ko. "Sobrang nakakapagod ang biyahe. Masakit pa rin ang ulo ko dahil sa hang over." Hinilot-hilot ko ang sariling ulo hanggang sa biglang tumunog ang low bat kong cellphone. Kinuha ko iyon at tinignan ang notification. Pangalan agad ni Kevin ang bumungad sa akin. Muli ay tumibok ang puso ko nang malakas at bago ko pindutin ang pangalan niya ay malalim akong huminga. Ano kaya ang nilalaman ng post niya? Pagpindot ko sa notification na iyon, isang nakakabasag damdamin ang bumungad sa akin. Natuloy ang engagement party nila noong nakaraang araw. Parang biglang hinugot niyon ang lahat ng natitira ko pang lakas sa katawan. Bigla akong nakaramdam ng sobra-sobrang pagkadismya. Daig ko pa ang namatayan. Parang

