NAGSIMULA na naman ang araw ng lunes. Panibagong linggo na naman at exam na naman. Isang napakadugong exam na halos ay wala akong natutunan. Paano ay halos apat na buwan akong hindi nagpakita sa school kaya sariling sikap talaga ako sa pag-aaral ng cover ng exam ngayon. Nahihilo na nga ako sa mga kinabisado ko. Masyadong masakit sa utak, mabigat. Isang linggo ring puwedeng maghabol ng mga requirements, tulad ng mga quiz na na-missed, projects, at mga portfolio's na pinapagawa ng ibang guro. Pagkatapos naman ng madugong mga araw na ito, Christmas Party na. Puwede na kaming magpakasaya sa Christmas Break. Magtututok talaga ako sa bakery namin kapag nagkataon. Dumiretsiyo ako sa canteen para bumili ng mineral water bago magpunta sa library para mag-review dahil alam kong hindi pa sapat ang

