NAPAHINTO ako sa paglalakad ng makarinig ako nang malalakas na sigawan ng mga kababaihan at may kung ano’ng nagtutulak sa akin para puntahan iyon.
Nakisingit ako sa mga tao para makapunta sa harapan dahil hindi ko talaga makita sa likuran. Aminado naman akong may kaliitan talaga ang height ko.
Nang makarating ako roon ay kulang na lang ay malaglag ang mga mata at panga ko sa nakita ko.
“Ang gwapo nga nila. Para silang mga anghel na nagkatawang tao,” labis ang pagkamanghang bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa kanilang apat.
“Tumabi nga kayo!” nakikipagsiksikang sigaw ng isang babae papunta sa harapan.
“Hi, Kevin!” Malawak ang ngiting bungad nito nang makarating siya sa harap ng lalaki.
Kevin? Parang narinig ko na ang pangalang iyon dati, ah? Pero hindi ko na maalala kung kailan at saan.
Napatingin ako roon sa lalaki nang bigla itong magtanggal ng shades.
Sh*t! Ang gwapo niya.
Nakakaadik tignan ang mukha niyang lubhang napaka-kinis at napaka-ganda. Para bang wala kang makikitang kahit ano’ng bakas ng tigyawat o kahit maliit na blackheads lang. As in sobrang gwapo! Napaka-tangos pa ng ilong at makapal ang mga kilay at may mapupungay na mga mata. Perfect ang pagkakahawi ng buhok niya at talaga namang napaka-kissable ng lips niya.
Sh*t! Bakit buti pa siya? Bakit ako, e, mukhang kinadkad ang pagmumukha sa pwet ng kawali? Napaka-pangit ko, kababae kong tao. Pero siya, e, kalalaki niyang tao, napaka-ganda ng mukha niya.
Nakakainggit naman.
“Ginawan nga pala kita ng chocolate cake, Kevin. Sana magustuhan mo. Oh, heto!” abot taingang sambit niya at iniabot sa lalaki ang cake pero nananatiling deadma lamang ito sa kaniya.
Manhid yata ang lalaking ito, e.
“A-Ayaw mo ba?” nauutal at halatang kabadong tanong nito habang namumutla.
“Oo,” tipid na sagot ng lalaki at tumalikod. Nagtangka itong umalis ngunit agad siyang pinigilan ng babae.
“P-Pero, p-pinaghirapan ko k-kasing i-bake ‘to, e,” bagsak ang mga labi niyang tugon at yumuko.
Bigla namang humarap iyong lalaki at nagsalita. “Hindi kita pinilit na gawin iyan,” walang emosyon nitong sagot.
“Oo, hindi mo nga ako pinilit pero masaya ako habang ginagawa ito. Dahil para sa iyo ito, Kevin! Kung napapaisip ka man kung nilagyan ko ba ito ng kung ano-ano’ng gayuma, nagkakamali ka. Malinis ang pagkakaluto ko rito at siguradong masarap.” Pagtatanggol nito sa sarili niya. “Kaya sana ay tanggapin mo ito,” dagdag pa nito at yumuko.
Napabuntong hininga at napailing na lang ako.
“Marami kang pwedeng pagbigyan diyan maliban sa akin. Ayokong tumanggap ng pagkain lalo kung sa iyo nanggaling,” malumanay na sagot ng lalaki at ang magkabilang balikat ay nakabagsak lang.
“P-Pero... b-bakit naman?” naluluhang tanong ng babae sa kaniya.
“Dahil ayoko.” Naglakad ito palayo ngunit agad na nagsalita ang babae dahilan para mapahinto siya.
“Alam mo ba na kahit ganiyan ka, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong magustuhan ka? Gusto kitang kalimutan pero hindi ko magawa. Nakatatak ka na sa puso’t isip ko, e. Pero kung ganito ang palaging ibabalik mo sa akin sa loob ng apat na taong minahal kita ng lubos, ang pinaghirapan kong ito, itatapon ko na lang din siguro katulad kung paano mo binabalewala ang pagmamahal at suporta ko.” Tumakbo ito nang mabilis na may bakas ng luha sa kaniyang mga mata saka itinapon sa basurahan ang cake at nagpatuloy sa pagtakbo.
“Kawawa naman siya.”
“Sayang iyong cake.”
“Apat na taon niya itong paulit-ulit na ginagawa pero sa loob ng apat na taong iyon, paulit-ulit lang din siyang binabalewala ni Kevin.”
“Hayaan mo siya at iyan ang bagay sa makapal ang mukhang katulad niya. Ako nga na sobrang ganda na pero hindi pa rin pinapansin ni Kevin, e. Siya pa kayang make-up lang ang nagdala?”
Napakuyom ko ang kamao ko sa narinig at nasaksihan ko.
Sa loob ng apat na taon, hinahayaan niya lang na ganunin siya? Aba’y hindi tama iyon!
"Dre, sana tinanggap mo man lang. Mukha namang masarap iyong dala niya. Sayang naman,” wika ng isa pa niyang kasama at mukhang naku-konsensya sa ginawa ng kaibigan niya.
“Edi sana ikaw ang tumanggap,” nakangising tugon nito at naglakad palayo.
“Wala ka talagang puso, Dre! Wala yata talagang nananalaytay sa ugat mong kabutihan kahit konti lang. Hay!” sarkastikong tugon ng isa niyang kasama at sumunod sa kaniya.
Walang hiyang lalaking ito! Hindi ako makakapayag na ang isang katulad lamang niya ang magpapababa sa pride naming mga kababaihan!
Tumakbo ako nang mabilis upang maabutan sila at agad akong tumabi sa kaniya pagkatapos ay pinatid ko ang kaliwang paa niya na naging dahilan ng pagsubsob ng mukha niya sa semento.
“Oh my gosh!”
“Sira ang ulo ng babaeng ito!”
“Video-han ninyo, bilis!”
Sunod-sunod na komento ng mga taong nakapalibot sa amin, kahit pa ng mga kaibigan niya.
Mabilis itong tumayo at kinuwelyuhan ako. “At ano sa tingin mo ang ginagawa mo, ha?” mabagsik ang kaniyang mga matang sigaw na nilabanan ko lang din ng tingin.
“Sh*t! Hindi alam ng babaeng ito ang ginagawa niya.”
“Napaka-pakialamera naman niya. Hindi nga niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari, e," komento ng mga taong nakapalibot sa amin.
“Ano? Sumagot ka!” Niyugyog niya ako gamit ang kwelyo ko kaya’t kaunti kong naramdaman ang pagkasakal.
Agad kong hinawakan ang kamay niya sa kuwelyo ko at mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kaniya. “Ginagantihan ka,” namimilog ang mga mata at mariing sagot ko sa kaniya at malakas ko siyang itinulak kaya’t muli siyang napahiga sa sahig ng wala sa oras.
“And who do you think you are to do this to me?!” Mabilis ulit siyang tumayo at muli akong kinuwelyuhan pagkatapos ay idinikit niya ako sa dibdib ng kasama niya nang may napaka-talim na pagtitig sa akin.
“Dre, tumigil ka nga! Babae ‘yan!” galit na wika ng lalaking nasa likod ko at inikot ang braso niya papunta sa leeg ko at itinago ako sa likod niya. “Ako ang makakalaban mo kapag sinaktan mo ng pisikal ang kahit na sino mang babae rito sa university,” dagdag pa nito at tinignan ako.
“Ayos ka lang ba?” tila may mapag-alalang tanong niya na tinanguan ko lang.
“Ano ka ba sa tingin mo, super hero? Iharap mo sa akin ang babaeng iyan! Bigla-biglang namamatid. E, wala naman akong ginagawa sa pangit na iyan!” galit na galit niyang sigaw na mas lalong ikinakulo ng dugo ko.
“Hoy! Napakakapal naman ng pagmumukha mo, mister!” Nagsalubong ang nagngangalit kong mga kilay habang sinisigawan siya. Ito namang kaibigan niya sa likod ko, kanina pa ako inaawat.
“Shh! Tigil na. Sumama ka sa akin.” Iniharap niya ako sa daan at inakbayan pagkatapos ay tinulak niya ako para maglakad.
“Epal ka talaga, Dre!” pahabol pang sigaw ng kaibigan niya pero tinawanan niya lang.
“Mas epal ka! Ang kapal ng pagmumukha mo. Hayop ka!” sigaw ko rin pabalik sa kaniya. Kung hindi lang ako pinipigilan ng kaibigan niyang ito ay muli ko sana siyang sinugod pa.
Nakakaubos ng pasensya.
“Shhh! Tigil na. Hindi magpapatalo iyang si Kevin sa iyo,” wika naman nitong lalaking makatulak sa akin, e, akala mo close kami.
“Aba’y mas hindi ako magpapatalo! Ang tigas ng mukha niyang mamahiya ng babaeng nagbibigay ng buong suporta at pagmamahal sa kaniya. Biruin mo iyong apat na taon, ginaganoon-ganoon niya lang? Sige nga at sabihin mo sa akin kung may puso pa ba iyang kaibigan mo?” umuusok ang magkabilang butas ng ilong kong siyaw at talaga namang nanggagalaiti ang kaluluwa ko sa lalaking iyon.
“Aminado akong wala,” tumatawa nitong sagot at muling nagsalita, “Halika at kumain na lang tayo sa cafeteria. Ikaw na lang ang sasamahan ko dahil masyadong maraming arte ang mga kaibigan kong iyon. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko sa gutom,” dagdag pa nito at kumalam na nga ng tuluyan ang sikmura niya na ikinatawa ko ng bahagya.
Infairnes sa tiyan niya, nakikisama.
“Oh? Marunong ka naman pa lang tumawa, e.” Ginulo niya ng bahagya ang buhok ko. Kinilabutan ako sa ginawa niyang iyon kaya napakamot ako sa ulo at nagkukunwaring tumatawa. “Ano bang pangalan mo?” dagdag pa niya.
“A-Ah, ako si Bianca. I-Ikaw? Ano ba ang pangalan mo?” parang maiihi sa palda kong tanong. Bigla kasi akong kinabahan dahil sa paghawak niya sa buhok ko kanina. Idagdag mo pa itong mga marites sa paligid namin na kanina pa kami pinagtitinginan at pinagbubulungan.
"Ako si Kyle Fernandez,” nakangiti pero tipid niyang sagot. Nagpatuloy kami sa paglalakad.
“S-Salamat nga pala kanina. Nanggigigil talaga ako sa lalaking iyon, e.” Pagbaling ko sa topic.
Hindi ko alam pero sobra ang pagdagundong ng dibdib ko. Ano bang meron? Bakit ganito?
“Wala iyon. Masasanay ka rin sa kaniya lalo na at magkaka-klase lang tayo. Nakita kita kanina sa room. Nadapa ka pa nga, e,” May pang-aasar at pagpipigil ng tawa sa tono ng boses niya.
Aba’y magaling din pala ito. Magaling mang-asar. Tsk!
Habang kumakain kami ay hindi maiwasang magsalubong ng mga kilay ko. Mukha ba kaming artista para kuhanan nila nang kuhanan ng litrato? Nakakaistorbo sila sa pagkain, ah?
“Hayaan mo lang sila. Huwag mong pansinin at madi-distract ka lang. Kumain ka nang kumain. Napaka-sarap ng luto ni Ate Belle ngayon.” Ganado siyang sumubo at ngumiti nang malaki habang puno ng pagkain ang bibig niya.
Ang cute naman niya. Ngayon ko lang napansin ang gwapo niyang mukha. Ang sarap pagpantasyahan.
“A-Ah, oo, sige,” utal-utal kong sagot at nagpatuloy sa pagkain habang pasulyap-sulyap kong tinitingnan ang mukha niyang napaka-ganda.
Sh*t! Ang gwapo talaga niya. Matangkad at matulis ang adams apple niya. Kulay brown ang buhok niya at brown eyes din ang mga mata niya. Sobrang tangos ng ilong at lubhang napaka-kinis ng mukha niya. Medyo makapal ang mga kilay niya at mahabang mga pilik mata tapos idagdag mo pa iyong napaka-kissable na labi niya. Shemay lang! Ang gwapo! Worth it magustuhan hindi katulad ng kaibigan niya na mukha lang ang nagdala. E, siya pati kaloob-looban niya malinis talaga tapos sobrang bait pa! Ang mga kagaya niyang lalaki ang tipo ko. Siya na yata ang dream guy ko, e.
“Gusto mo bang bigyan kita ng picture ko?”
Bigla akong nasamid sa sinabi niya at mabilis niya naman akong inabutan ng tubig.
Y*wa! Napansin niya pa lang nakatitig ako sa mukha niya at pinagpapantasyahan siya? Nakakahiya tuloy!
“Ayos ka lang?” natatawa nitong tanong na ikinatango ko lang at naramdaman ko pang uminit ang magkabilang pisngi ko. Tumawa naman siya ng sobrang lakas.
Bwisit ‘yan!
Habang kumakain kami ay mayroong dumaang lalaki at mukhang nagmamadali.
“Paraan! Paraan! Tumabi kayo!” sigaw nito.
May dala siyang kariton at mukhang galing iyon sa kitchen ng canteen.
“Masasanay ka rin diyan. Araw-araw iyang ginagawa ni Kuya Ben, ang janitor natin,” singit na bulong ni Kyle at muling sumubo.
“Ano ba iyong mga dala niya?” puno ng pagtatakang tanong ko. Nakatakip kasi iyon ng tela kaya hindi ko makita.
Mukhang nahihirapan si Kuya. Sobra tumulo ang pawis niya at medyo madumi na ang uniform niya dahil sa trinatrabaho niya.
“Mga rekado iyan. Dadalhin niya sa kabilang cafeteria. Hindi mo ba alam na dalawa ang cafeteria ng school natin?” Sandali siyang tumigil sa pagsubo ng pagkain at tiningnan ako.
“Ganoon ba?” Tanging lumabas sa bibig ko at muling tiningnan iyong janitor.
“Oo. Kumain ka na ulit at lalamig na iyan,” tanging sagot niya at sumubo ng isang kutsara ng lumpiang sariwa.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumango nang biglang sumigaw ulit iyong lalaking janitor. “Magsitabi kayo! Baka may malaglag na rekado!”
Maya maya ay may napansin akong gumulong sa paanan ko.
“Hala, repolyo! Teka, Kuya! Sandali lang po. Mayroon kayong nalaglag!” Tumakbo ako agad at hinabol siya habang iyong kasama ko ay narinig ko pang tinawag ako.
Baka kailangan niya ito. Kailangan kong maisauli ito sa kaniya.
-
“Tang *nang babaeng iyon!” gigil ang boses kong sigaw at nagpagpag ng sarili habang ang mga tao ay nananatiling nakapalibot sa amin at nagbubulungan.
“Paano ba iyan, Dre? Nakahanap ka ng katapat mo,” natatawang asar ni Carl.
“Tang *na mo too, Dre!” umuusok ang mga ilong kong tugon sa kaniya, “Baka gusto mong kayo ang pagbuhulin ko ng demonyitang iyon?” masama ang mga titig kong tanong sa kaniya.
“Demonyita? Ang cute niya nga, e. Para siyang duwendeng galit.” Tumawa siya nang sobrang lakas na ikinatawa rin naman namin.
Sa liit niyang iyon, napakalakas naman ng loob niya?
"Sa tingin ko ay nakita ko na ang babaeng aasarin ko habang buhay,” magkadikit ang mga palad na wika ni Jack at nagbakla-baklaan na naman.
Baduy!
Nakangisi ako nang iwanan sila.
“Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang ginawa mo. Pasensya ka pero you messed with the wrong bully, miss,” nakaikom ang bibig kong bulong at nagpatuloy sa paglakad papuntang cafeteria dahil doon naman talaga ang punta naming apat kanina.
“Hoy! Hintayin mo kami, Dre! Pashnea ka talaga!” pabaklang sigaw ni Jack habang ang lahat ng mga taong nandito ay panay naman sa pagtawa.
Abnormal talaga!
Nang makarating ako sa cafeteria ay bigla akong napalingon doon sa sumisigaw.
“Kuya! Kuya! Sandali lang!” mabilis ang takbong sigaw ng babaeng may dalang repolyo.
Napakunot pa ang noo ko dahil saan niya galing iyong repolyo? May tinda na bang gulay ang school?
Nang malapit na siya sa tapat ko ay narinig kong bumulong si Jack. “Yari ka sa ‘kin!” aniya at tinisod ang babae na nagresulta sa biglaang pagsigaw at pagbagsak nito sa katawan ko. Magkasabay kaming bumagsak sa semento at laking gulat ko nang aksidenteng maglapat ang mga labi namin.
“Ow, sh*t! Wrong move!” narinig kong reaksyong pasigaw ni Jack habang nananatiling nakapatong sa akin ang babaeng ito.
“G*go ka, Dre! Ikaw ang yari kay Kevin niyan!” kabadong komento ni Carl sabay sapok sa ulo ni Jack.
"Aray ko! Hindi ko naman sinasadya, e!" maktol pa nito sabay hawak sa ulo.
Agad kong itinulak iyong babae paalis sa katawan ko at tiningnan ko kung sino siya.
Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realized ko kung sino ito.
“Ikaw na naman?!” sabay na sigaw naming dalawa ng gulat na gulat.
H-Hindi ko namalayang siya ito sa sobrang bilis ng pangyayari.
“What the h*ll? Ang landi ng babaeng ito!” narinig kong sigaw ni Fiona at agad namang pinigilan nina Jack at Carl.
“Manahimik ka muna,” bulong nila rito.
“Ano’ng manahi—”
Hindi naipagpatuloy pa ni Fiona ang sinasabi ng biglang takpan ni Jack ng panyo ang bibig nito.
“Ang kapal talaga ng pagmumukha mo! Hinalikan mo pa ‘ko! Kadiri ka!” Pinunasan agad niya ang labi niyang ikinagulat ko ng sobra.
“Hoy! Ano’ng hinalikan? Sino ba ang tatanga-tangang takbo nang takbo tapos hindi tumitingin sa dinadaanan, ha?” balik kong tanong sa kaniya ng pasarkastiko.
Ang lakas ng sapak nitong babaeng ‘to! Nagawa pang mandiri sa kiss ko!
“Aba! Bakit, ha? Sino ba ang tangang nangtisod sa akin? May naramdaman akong paa kanina, e!” galit din nitong sigaw nang bigla kong maalala ang ginawa ni Jack.
“G*go ka talaga, Dre!” Sinugod at sinuntok ko sa mukha si Jack kaya bumagsak siya sa semento.
“Hoy, Dre! Tumigil nga kayo!” Pag-awat ni Carl habang nagpipigil ng tawa.
“Ang bobo mo gumanti, Dre! Hindi mo man lang inayos!” Inambahan ko ulit siya ng suntok pero mabilis akong napigilan ni Kyle.
“Tumigil nga kayo! Para kayong mga bata!" Salubong ang kilay niyang bumuntong hininga.
“Hayop ka talagang babae ka! Hayop na nga iyang kalandian mo tapos pinag-aaway-away mo pa sila!” Sinugod at sinabunutan ni Fiona iyong babae at ipinunas sa lamesa ang mukha nito.
“B-Bitawan mo ‘ko!” galit na sigaw ng babae.
“Hoy! Ano ba?!” Mabilis naman silang pinag-hiwalay ni Kyle. “Gusto niyo bang kayong dalawa ang pag-untugin ko, ha?” galit na dagdag pa nito.
“Hoy, Jack! Bawas bawasan mo nga iyang pag-aasal bata mo! Alam mo namang may hinahabol itong tao, titisurin mo!” Mariing dinuro ng daliri ni Kyle si Jack mula sa malayo dahilan para mapayuko at mapatango ito.
Parang g*go kasi, e.
“E-Excuse me po?” Singit ng janitor.
“Hala, Kuya!” gulat na reaksyon naman ng babae at mabilis na kinuha iyong repolyong nalaglag sa kamay niya nang tisurin siya ni Jack kanina at napahiga sa akin.
“Paumanhin po at mukhang nalamog na yata itong repolyo. Kanina ko pa po kayo hinahabol kaso hindi niyo ako narinig.” Hinawakan niya ang maruming kamay ng janitor at mukhang naluluha pa habang ang buhok niya ay gulo-gulo nang dahil sa pagkakasabunot ni Fiona.
"Kaya pala nagkulang ang repolyong dala ko. Maraming salamat, Hija. Napagalitan na naman ako roon kanina sa cafeteria dahil nawawala ang isang repolyo. Mabuti at nakita mo,” aniya at mukhang pagod na pagod na.
“Sige po. Sasamahan ko po kayo roon sa kabilang cafeteria. Sorry po. Hindi ko kayo agad nahabol,” malungkot nitong wika.
“H-Huwag na, Hija. Napakalinis ng mga palad mo para marumihan. Maraming salamat sa tulong mo." Muli ay nagpunas ito ng pawis gamit ang bimpo niya na kulang na lang nagpuputik na dahil sa dumi.
“Heto po at gamitin niyo po ang panyo ko.” Iniabot ng babae ang panyo niya.
“H-Huwag na, m-mayroon pa naman—”
“Hindi po. Akin na po iyang bimpo ninyo. Dadalhan ko po kayo bukas ng bago. Sa ngayon, iyan muna po ang gamitin ninyo,” nakangiting tugon nito at mukhang naluluha pa sa sitwasyon ng janitor.
“Maraming salamat, Hija. Napakabuti mo.” Kitang-kita naman sa mukha ng janitor ang tuwa at pasasalamat.
Tila ay naging bato ang lahat ng nandito sa kanilang nasaksihan. Kahit ako ay hindi ko maiwasang mapahanga sa babaeng ito.
“Wala pong anuman, kuya,” nakangiting sagot nito pabalik sa janitor.
Sa lahat ng demonyita, siya ang may pusong bukal.
“Nako, Dre! Mukhang ang babaeng iyan ang magpapataob sa kayabangan mo,” natatawang bulong ni Carl na mabilis kong binatukan.
“Walang magpapataob sa nag-iisang campus crush, Dre. Tandaan mo iyon at itatak mo riyan sa isip mo! Lalo kung isa lang babaeng ubod ng liit? Nagkakamali ka.” Umalis na ako at nagpunta ng parking lot para manigarilyo.
Hindi ako magagawang talunin kailanman ng isang napakaliit na duwendeng kagaya mo.