NANG makarating ang apat na magkakaibigang babae sa lokasyon ng binata ay inabutan na nila roon ang tatlo pa nilang kaibigang lalaki at ang rescue team. Malakas ang ulan at lahat sila ay basang-basa na. Animo’y hndi nila alintana ang malakas na pagpatak ng bawat butil ng ulan. Ipinasok na si Kevin sa loob ng van ng rescue team upang kaagad na maisugood sa hospital ang kawawa at duguang katawan nito. Kahit ang nakasalpukan nito ay wala na ring malay. Parehas silang naliligo sa mga sariling dugo kaya agaw buhay ang kanilang kundisyon. Parehas din tumama ang kanilang mga ulo sa matigas na bahagi ng sasakyan. Sa kabilang panig, halos lumipad na ang sinasakyan ng mga dalaga’t binata. Si Kyle ay lumipat sa kotse nila Zoe upang siya na ang magmaneho dahil delikado ang daan sa lakas ng ulan. Pa

