ISANG pagdiriwang ang kasalukuyang nangyayari ngayon sa stage. Ang lahat ng college students ay inaanyayaang pumunta roon kaya sabay-sabay kami nila Andrea na nagtungo roon. Ngunit bago iyon ay dumaan muna kami sa C.R at magpapa-fresh muna raw sila. "Ano ba ang ganap sa ngayon sa malaking court at may pa bonggang stage effect pa sila?" Suminghal si Andrea pagkatapos magsalita. "Ang balita ko, may announcement daw. Hindi ko alam kung ano'ng announcement," kibit balikat na sagot ni Pauline. Announcement? "E, bakit hindi na lang nila i-announce sa bawat room o 'di kaya ay i-post sa secret group ng college students?" Umikot ang naninirik niyang mata. Sobrang taray talaga niya. Badtrip kasi siya. Hindi raw siya chi-na-chat ni Carl. Nag-away yata sila kagabi. "Hindi ko rin alam, e. Iyon la

