NANG magising si Bianca mula sa halos kalahating oras na pagkawala ng kaniyang malay. Itinakbo ko kaagad siya sa event center. Tapos na ang wedding booth pero ang parangalan ng bawat nanalo ay hindi pa natatapos. “K-Kevin, sandali lang.” Huminto siya kung kailan malapit na kami sa stage. “Bakit?” Sinimulan kaming pagtinginan ng mga tao. “Ayoko nang bumalik diyan.” Umiling siya at yumuko. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga. “Trust me. Ngayong kasama mo na ako, hindi ka na mapapahamak.” Nilingon ko ang stage at itinaas ang isa kong kamay habang hawak ko rin ang kanang kamay ni Bianca na kanina pa nagtatago sa likuran ko. Tinignan ako ng emcee. Tinanguan niya rin ako at alam niya na ang ibig kong sabihin sa pagtaas ng kamay. Since ako ay may gawa ng event

