NANGGAGALAITI ako sa galit na umalis ng event center. Tumungo ako sa elevator at pinagpipindot iyon upang bumukas ngunit ayaw. “Ano ba’ng problema nito?” bulong ko sa aking sarili na may magkasalubong na kilay. Lalong pinag-iinit ang ulo ko ng bwisit na elevator na ‘to! “Ma’am, under maintenance po iyan. Nakapaskil naman po. Sa hagdan muna po kayo dumaan,” wika ng janitor na bigla na lamang sumulpot sa kung saan. “Ano ba namang klaseng eskwelahan ito! Napakabulok ng equipments!” Inirapan ko siya at nagtungo sa hagdan upang bumaba. Nakakainis! Sumasabay sa inis ko ang elevator! Padabog kong kinuha ang cellphone ko sa bag. Tinawagan ko si Mang Kiko, ang driver ko. Magpapasundo na lang ako para agad makauwi. Kailangang malaman ni Mama ito. Kailangan kong makagawa ng paraan. Hi

