“GUMAGANDA ka Bianca, ah?” Tukso ni Jack nang makita niya ako at saka umupo sa tabi ko. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Siguro effective iyong ibinigay sa aking The Go Glass ng tita ni Zoe noong inaayusan nila ako. “Ah, Bianca?” Seryosong tinawag ni Jack ang pangalan ko na lalong ikinakaba ng dibdib ko. Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa garden dito sa harap ng school. Sariwa ang simoy ng hangin. Ilang minuto na lang din at uuwi na kami. Malapit na kasing mag 5:30. Hinihintay lang namin sila Kevin. Nandoon pa sila sa room at nagassasagot ng exam, e. “Ano ‘yon, Jack?” “Wala naman. Ang bait mo kasi.” Bigla akong kinabahan ng sabihin niya iyon. Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. “I-Ikaw rin naman mabait, e.” Hindi ko naiwasang kamutin ang ulo ko. Nakakapanibago naman

