TAHIMIK akong pinakikinggan ang kaniyang tinig habang siya ay emosyonal sa pagkanta. Nakayuko lamang ako at nakatitig sa mga kamay ko. Parehas kaming nakaupo sa mahabang silya. Hawak niya ang gitara at patuloy na tumutugtog ng isang musika. Naguguluhan ako sa aking nararamdaman at sa mga nangyayari. Hindi naman siguro ako magkakaganito kung hindi nila ako palaging binubuntutan, 'di ba? Hindi mabubuo ang pakiramdam na ito kung payapa lamang akong nag-aaral. Gustuhin ko man na palagi akong mag-isa ngunit ito ay imposible. Lalagi at lalagi sila sa aking tabi upang patawanin, asarin, at alagaan ako. Ngunit sa kabila nito ay maraming tao ang halos patayin ako sa kanilang mga isipan. Nag-e-enjoy man ako subalit minsan naiisip ko, gusto ko na lamang tumakas. Tulad ngayon. Gusto kong takasan

