KEVIN’S POV. Automatiko akong napaatras nang marinig ko ang sinabi ng kaibigan ko sa babaeng ito. Aksidente akong napapasok sa music hall. Hindi ko alam pero, may nagtutulak sa aking pumasok dito kaya napilitan ako. At ito pala ang makikita at maririnig ko. Ang pag-amin ng kaibigan kong si Kyle. Kaagad akong lumabas ng tahimik. May kung ano akong naramdaman sa dibdib ko na sakit. Hindi ko alam. Feeling ko mayroong malaking bagay ang mawawala sa akin dahil gusto ko rin si Bianca. Iisa kami ng taong gusto ng matalik kong kaibigan. Kaya pala niya palaging ipinagtatanggol at tinutulungan si Bianca. Palagi siyang nariyan sa tuwing kailangan ng tulong ni Bianca. Kaya pala hindi siya sumasabay sa amin pauwi kapag galing kami sa gym o galing kaming naglaro ng sports o kung ano pa mang bagay na

