MABIGAT ang katawan kong lumabas ng bahay para pumasok. Ayoko man dumating ang araw na ito ngunit wala akong magagawa. Ngayon ang araw ng engagement nila Kevin at Fiona. Kahit magpunta man ako sa event na iyon, magmumukha lang akong tanga. Hindi naman kasi ako maalala ni Kevin kaya ano pa ba ang aasahan ko? I sighed. Hinawakan ko ang magkabilang strap ng bag ko at sa semento lang itinuon ang pansin ko habang naglalakad. Parang gusto kong sipain ang mga plastick bottle na nadaraanan ko sa lansangan. Ang sabi ko no'n, ipaglalaban ko siya at hindi ko hahayaan na matuloy ang engagement nila pero paano ko naman gagawin iyon kung hindi niya ako maalala? Paano ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa taong kahit pangalan ko ay hindi alam. "Nakakainis!" Sinipa ko ang boteng nasa harapan ko. Na

