CHAPTER 70 - NOT A BIG DEAL

1724 Words

DALAWANG araw lang ay gumaling na ako. Mabuti na ang pakiramdam ko kaya nakakatawa na ulit ako nang malakas. Salamat sa mga kaibigan kong hindi ako pinabayaan. "Salamat sa inyo, ha? Utang ko sa inyo ang magiging grades ko." Ngumiti ako pagkatapos magsalita. Nandito kami ngayon sa library at kakatapos lang maghabol ng notes. Malapit na naman ang exam kaya kailangan kong matapos agad ang pagku-kumpleto sa lecture ko. Mabuti na lang at tinulungan nila ako. "Wala iyon! Basta, huwag mo na ulit uulitin ang ginawa mo noong isang araw. Dadagukan na talaga kita, Bianca!" wika ni Andrea. Dahil katabi ko siya sa upuan ay binitiwan ko ang hawak kong notebook at niyakap siya. "Salamat, Andrea!" wika ko at isiniksik ang ilong ko sa gilid ng kilikili niya. "Ano ba, Bianca? Nakikiliti ako! Stop na!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD