CHAPTER 69 - EXPLOITATION

1170 Words

PAGMULAT ng aking mga mata ay ang magkasalubong na kilay ni Andrea ang bumungad sa akin. Naka-krus ang kaniyang mga braso at hindi mo maipaliwanag ang itsura ng kaniyang mukha. Mukhang galit na galit siya. "Ano? Walang kibo?" balasubas na tanong niya sa akin. Kinabahan ako nang husto. "B-Bakit?" "Wow?" Ngumisi siya at tinanggal ang pagkaka-krus ng kaniyang mga braso kasabay pa ang pag-irap nito. "Nagagawa mo pa'ng magtanong ng bakit sa kabila nang ginawa mo? Hindi mo man lang ba naisip na inaabuso mo iyang katawan mo? Nilalagnat ka! Hindi, teka. Hindi lang basta lagnat, e! Inaapoy ka ng lagnat! Ano, hindi mo alam 'yon, ha?" Nag-umpisang tumulo ang luha mula sa isang mata niya. Nakaramdam ako nang awa at pagkakunsensya. Kasalanan ko ito. Iniiwas ko na lamang ang mga tingin ko sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD