LUMIPAS ang dalawang araw at ngayon ay November 3 na. Start na naman ng klase. Tanghali na nang ako'y gumayak. Bigla akong tinamad pumasok ng klase dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon. Wala nga ako sa mood, e. Tapos dinatnan pa ako kagabi. Tumungo ako sa kusina at nagluto. Nakasuot ako ng pajamang maluwag at malaking t-shirt. Nakapusod ang buhok ko ngunit gulo-gulo. Napakabigat ng katawan ko. Para akong lalagnatin. Mainit kasi ang pakiramdam ko. Sinisipon pa ako. Malat na nga rin ang boses ko dahil sa kakaubo. Double kill na nga dahil meron ako ngayon. Masakit ang puson ko, pati ang balakang at mga hita. I sighed. Hindi ko yata kayang pumasok. Nagpatuloy ako sa pagluluto hanggang sa matapos. Tinawag ko agad si Charles at saka na kami kumain. "Ate, bakit namumutla ka?" nakatitig na

