IBINILIN sandali ng binata sa mga kaibigan nito si Bianca. Tinawagan din nito ang tatlo pa nitong mga kaibigang babae upang may babae ring magbantay sa kaniya. Pumunta siya sa Batangas kung saan naroroon ang kaniyang ina na kakauwi lamang. Nagpapatayo roon ang kanilang pamilya ng isang branch upang mas lalong lumago ang kanilang kumpanya ngunit ang kaniyang ama ay nananatili sa Amerika. Pagdating nito sa opisina ng kaniyang ina ay kaagad niya itong kinompronta upang malaman nito ang katotohanan. "Oh, Son? How are you? Bakit hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka pala rito?" bungad ng ina sa kaniya matapos nitong halikan ang pisngi ng binata. Ngumisi lamang ang binata bilang kaniyang sagot at saka nagsalita. "Ma, umamin ka. Ano'ng katarantaduhan na naman ba ang ginagawa ninyo, ha?" galit

