HABANG abala ang apat na magkakaibigan sa paglalaro ng sikat na online games ay biglang nag-pop-up ang chat ni Tobi kay Jack. Si Tobi ang kanilang kaibigan at kasamahan sa kalokohanan. Isa itong magaling na musikerong hinahangahan ng halos lahat ng mga kababaihan o kaya ay iyong ibang kalalakihan sa kanilang paaralan. Sa una'y isip ng binata na huwag muna itong buksan dahil kasalukuyan silang nasa isang tournament ngunit inulit ng kaibigang si Tobi ang kaniyang mensahe sa binata. Ayon sa kaniya ay kasalukuyan na namang inaapi ang kanilang kaibigan na babae at ito si Bianca na lubos na minamahal ng kanilang pinuno. Napatayo si Jack ng mabasa niya ang mensaheng iyon ng kaibigan. Gulat ang tatlo pa niyang kasamang tinignan siya sandali at muling bumalik sa paglalaro. "Ano’ng problema, Jack?"

