"GINAGALIT talaga ako ng babaeng ito!" Halos lumabas ang sungay ko sa galit habang pinagmamasdan silang nagtatawanan sa oval. Maya-maya ay nakita kong nagsialisan na sila roon at halos sumabog ang ulo ko ng makita kong inakbayan ni Kevin si Bianca. Tang *na! "Ikalma mo ang puso, Fiona," nakakaasar ang tono ng boses na wika ni Patricia. Isa sa mga kaibigan ko na sunod-sunuran sa lahat ng gusto ko. "Shut up, Patricia! Baka gusto mong sa iyo ko ibuhos ang galit ko?" Itinaas ko ang isa kong kilay na nilingon siya upang siya’y masindak. Alam niya kung gaano ako kamaldita. "Ang sabi ko lang naman ay ikalma mo ang puso mo. Bakit ka ba gumaganyan? Duh!" Inirapan ako nito at pinag-krus niya ang kaniyang mga braso. Bwisit! "I said, shut up!" Dinuro ko siya ng mariin at padabog na umalis. Dapa

