HABANG tumatagal ay mas lalo kaming sumasaya. Halos isang buwan na rin simula ng seryoso kaming mag-usap ni Kyle noon. Alam na rin ng barkada at ng lahat ng chismosa sa paaralang ito na hindi na ako nililigawan ni Kyle. Si Kevin nga ay hindi ko maintindihan kung bakit parati siyang nasa mood ngayon. Palagi siyang masaya subalit oras-oras pa rin niya akong binu-bully katulad ng dati. Hindi ko na nga siya maintindihan, e. Para kasi siyang bata. Madalas nakakaasar na at gusto ko na lamang siyang ilibing ng buhay. I sighed. Kung pwede lang talaga. Kahit na hinintuhan na ako ni Kyle ay hindi pa rin nagbabago ang takbo ng barkada. Ganoon pa rin ito katulad ng dati. Palagi kaming magkakasamang walo at sabay-sabay na kumakain sa hardin o sa cafeteria nitong university. Kahit vacant hours nami

