HABANG naglalakad ako sa gitna ng hallway ay bigla akong napahinto ng makita ko si Kyle na nag-iisa at malungkot. Nakaupo siya ngayon sa bench at tila nagmumuni-muni. Bumuntong hininga ako at unti-unti siyang nilapitan. Nang makalapit na ako ay tumingala siya. Sandali siyang nagulat ngunit nang makalipas ang ilang sandali ay ngumiti rin. “Umupo ka muna,” malumanay nitong wika at gumilid nang magkaroon ako ng pwesto at makaupo sa tabi niya. Hindi ako umimik at umupo na lamang. Nasasaktan ako para sa kaniya. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat. “Pasensya ka na kagabi, ha? Medyo alam mo na, nakainom lang ako ng kaunti kaya ako ganoon. Hindi ko alam ang ginagawa ko,” kibit balikat nitong wika at saka pinaglaruan ang mga daliri niya. “Wala iyon. Ako dapat ang humingi ng pasensiya sa iyo

