ALAS syete y medya na nang magising ako mula sa masarap na pagkakatulog. Ang ganda ng panaginip ko. Hinalikan daw ako ni Kevin at inlove na inlove raw ito sa akin dahil sa ganda ko. Ang kapal lang ng mukha ko, ‘no? Hayaan niyo na! Kaya nga panaginip, e. Imposibleng mangyari sa totoong buhay na ma-inlove sa akin si Kevin ng ganoon ka-grabe. Nagtataka nga ako sa panaginip ko dahil sobrang ganda ko raw. Mapapa-sana true ka na lang talaga. Wala si Charles ngayon dito. Nagpunta siya sa bakery. Linggo kasi ngayon at walang pasok. Nakatoka kami na magpunta ng bakery pero pinauna ko na siya dahil maglilinis muna ako ng bahay. Bumaba ako sa hagdan para maglinis ng ngipin sa kusina. Naiwan ko roon kagabi ang toothbrush at toothpaste ko, e. “Hi, Bianca? Tara na!” Bungad ni Andrea sa pinto pagpasok

