LUNES ngayon ngunit wala akong kasamang pumasok ng school. Maagang nagpaalam sa akin si Kevin na bibisitahin niya raw ang mama niya sa Batanggas. Pinapapunta raw siya, e. Nag-aalala man ako ngunit pnipilit kong maging panatag. Magulang naman niya ang pupuntahan niya, e. Pero kung babae iyon? Magkakamatayan muna kaming dalawa. Parang isang napaka-imposibleng pangarap ang maging kami ni Kevin. Madalas noon, langit ang tingin ko sa kaniya. Napaka-imposibleng mapansin ako ng isang sikat at napaka-gwapong lalaki pero nagkamali ako. Hindi ko inakala noon na minsan sa buhay ko ay may magkakagusto rin sa akin. Akala ko forever alone na ako, e. Pero hindi, hindi ako nag-iisa. Kasama ko siya at naniniwala akong hindi niya ako iiwan. Nararamdaman ko ang matinding pagmamahal sa akin ng boyfriend k

