LUMIPAS ang bente kwatro oras at ganoon pa rin si Kevin. Hindi kami umalis ng mga kaibigan ko kahit sandali at patuloy namin siyang binabantayan. Mahirap na kasing pagkatiwalaan si Fiona. Baka mamaya ay kung ano'ng gamot ang isaksak niya kay Kevin o ipainom. Natatakot na kami. Baka tuluyan na akong hindi maalala ng mahal ko. Umaga na ngayon at todo landi pa rin si Fiona kay Kevin at sa mismong harapan ko pa. Sino ang makapal ang mukha ngayon? Hindi pa naman kami nag-be-break ni Kevin. Boyfriend ko pa rin siya at girlfriend pa rin niya ako. Oo, hindi niya ako maalala pero alam kong ngayon lang ito. Hindi ako susuko. Babawiin ko ang lalaking alam kong sa akin. Madamot ako lalo na kung sa kaniya. Kaya pagsusumikapan kong maalala niya ako. Ako ang hindi papayag na makasal siya sa babaeng ito

