CHAPTER 65 - ANG PAGKAGISING

1870 Words

ILANG linggo pa ang nagdaan. Ika-apat na buwan na namin ni Kevin dito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gumigising ngunit unti-unti na siyang nag-re-response sa mga ginagawa ng doktor sa kaniya. Kumbaga ay nakaka-recover na siya paunti-unti. Kaya gumagaan ang katawan ko. Parang kahit ako ay lumalakas sa tuwing nakikita kong unti-unti rin siyang lumalakas. Nagiging energetic ako. Kumakain ako sa tabi niya. Ipinapaalala ko sa kaniya kung ano ang lasa ng mga pagkain na lagi naming binibili. Nagbabasa ako ng mga short stories na masasaya. Kaya tumatawa ako mag-isa at napapansin ko rin ang pagsaya ng mukha niya. Palagi na akong nakikitang nakangiti ng mga kaibigan ko. Syempre, nararamdaman ko na kasing malapit na paggising niya kaya dapat ay palagi akong maging masaya para kapag nakita niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD