Malandi ka! Napaka-arte niya! Sobrang pabebe! Pwe! Saksakan nga naman sa kakatihan sa katawan! Mukha na ngang ahas, ginawa pang career! My ghad! Sulotera ito, e! Nerd na ubod ng landi! Lapitin ng gwapings si ala prinsesa! Napahiga na lamang ako sa kama at naibagsak sa mukha ko ang cellphone na ibinigay sa akin ni Kyle. "Bakit kasalanan ko? Hindi naman ako ang nagkusang pumunta roon kahapon, ah? Dinala lang ako nila Jack at Carl doon!" Napapapadyak na reklamo ko at inilubog ang mukha ko sa sariling unan. As usual, trending na naman ako. Araw-araw na nga yata ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay. I sighed. Masakit na ang puso ko. Parang dinaig ko pa ang artista. Araw-araw sikat, araw-araw rin bina-bash! Talagang mapapatay ko na ang mga taong walang sawang kumukuha

