BINUKSAN niya ang pinto ng kotse na labis kong ikinagulat. Nandito na kami sa paaralan ngayon at pinagtitinginan ng napakaraming tao. Sobrang haba na ba ng buhok ko? Char! "Tara na." Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan akong lumabas ng kotse. Jusko, Lord! Ano ba itong nangyayari sa buhay ko? Hindi ko na keri ito! Kinikilig ang bones ko! "Magmula ngayon ay huwag mo nang iisipin pa ang sasabihin ng ibang tao sa iyo nang dahil lang sa palagi mo kaming kasama. Nandito naman kami palagi para protektahan ka. Pinili at kinaibigan ka namin kaya huwag kang mag-alala. Sagot ka naming apat lalo na ako, Bianca." Hinawakan at inipit niya ang maliliit kong buhok sa tainga ko na patuloy na tumatabing sa mga mata ko. "Kahit na gaano ka pa kapangit," tumawa siya sandali at nagpatuloy sa pagsasal

