"SIRA na talaga ang ulo ng babaeng iyon! Ang hirap tanggalin ng mga pintura sa balat mo, Bianca! Doon ka nga sa loob at maligo ka!" Naiinis na utos ni Andrea. "Pero wala naman akong baong damit, e. Paano ako maliligo?" nakakunot ang aking mga noo at sobrang lungkot ng aking tono. Nandito kami ngayon sa comfort room at pinipilit na tanggalin ang mga madidikit na pintura sa katawan ko. Grabe! Nakakairita sa pakiramdam! Ayoko ng ganito! "Ay, sandali! Alam ko may extra pa akong uniform sa locker ko, e. Kukuhanin ko. Teka lang!" Umalis kaagad si Pauline pagkatapos niyang magsalita. Napakabait niya talaga. "Isukat mo nga itong sapatos ko." Hinubad ni Zoe ang sapatos niya at itinapat sa paa ko. "Ha?" "May extra rin akong sapatos sa locker ko, e. Baka magkasya sa iyo kaysa naman iyan ang i

