NAKAHINGA ako ng maluwag nang malaman kong hindi na pala siya nagdo-droga. Masarap sa pakiramdam kahit na nakakakahiya dahil naging katatawanan ako sa kanilang lahat. At lease, nalaman ko na lang ang totoo. Hindi raw naging madali para sa kaniya ang pagtigil sa droga dahil minsan niya na itong nakahiligan subalit kahit papaano ay konsensya ang pumigil sa kaniya. Alam niya raw kasi na hindi natutuwa sa kaniya ang yumao niyang kapatid dahil sa kalokohan niyang iyon. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lang kalapit ang loob niya sa kapatid ko dahil naaalala niya pala rito ang kapatid niyang Matthew ang pangalan. Katulad ni Charles ay lalaki rin daw ito at 7 years old nang ito ay mamatay, tatlong taon na ang nakararaan. Kaya kung buhay man ito ay 10 years na ito ngayon. Halos dal

