Maagang umuwi sina Tresh kasama ang mga kaibigan dahil sa buntis nga 'to. At hinayaan nalang iwanan si Bakz my tiwala naman siya sa mga magulang ng binata.
"Are you sure na iwanan natin si Bakz doon?Magsabi kalang Tresh ako ang bahala sa babae na 'yon"ngiting aso na saad ni Richel.
"Thank Rich,alam ko naman kayang-kaya mo 'yon, pero ayaw ko na bumalik ang dating ikaw,mas gusto ko ang ngayon."Pagkatapos niyakap nito ang kaibigan.
"Beshy bakit ang lalim ng iniisip mo?"nag-aalalang tanong ni Marie.
"Beshy kanina kasi nang makita ko si J-rose parang familiar siya hindi ko lang matandaan.P-pero naalala ko na!"konot-noo nitong saad.
"Saan naman?"nagtatakang tanong ni Marga.
"Nakita ko siya palabas ng clinic ni Levi at binati pa 'to ni Spencer.Yes,tama! siya nga ang babae na 'yon.Pero ang liit ng mundo dahil tagarito pala siya."Pailing-iling na saad ni Marisol.
"Kung ganun,kailangan natin alamin ang background ng pamilya na 'yan."
Maaga silang natulog dahil kinabukasan babalik sila roon upang dumalo sa mga palaro.
"Betino what happen?"nag-aalala tanong ng Ginang.
"Mom hindi ko maintindihan sa tuwing nakakakita ako ng apoy sobrang sakit ng ulo ko at pinagpapawisan ako ng husto."
Tumayo ang Ginang upang magpaalam sa kanila dahil sa itsura ng binata,nag-aalala sila sobra.
"Toto tara na masama ang pakiramdam ni Betino."
Agad naman kinuha ni Toto ang sasakyan upang ihatid ang mga amo niya.
"Mom,lately lagi nalang ako nanaginip ng dugo.At sobrang sakit ng ulo ko sa tuwing naiisip ko 'yon."
Nagkatinginan ang mag-asawa dahil tanging aksidente lang ang sinabi nila sa binata.
"Anak bukas magpapachek-up ka para malaman natin ang dahilan."saad ng Ina nito.
"No,Mom! pagbalik natin sa manila gusto puntahan ang lugar kung saan nakikita ko lagi ang babae nakangiti sa akin."
Kring! Kring! Tiningnan ni Betino ang orasan,11pm na kaya nagtataka sila bakit may tumatawag pa.
"Anak sino 'yan?"tanong ng Ama nito.
Agad niya tiningnan ang hawak niya na Cellphone.
"Si Oscar Mom,Dad."mabilis na sinagot ng Binata.
"H-hello Oscar,bungad na sagot ng binata
"Hello Dude,"napangiwi si Bakz dahil sa tawag sa kanya ni Oscar.
"Yes,Dude! bakit napatawag ka pala ng ganitong oras,may problema ba?"tanong ng binata.
"Yes Dude! kanina ko pa tinatawagan si bunso Marisol,hindi ko 'to makontak kaya nag-aalala ako."
"Tulog na silang lahat.Maaga kasi silang umuwi dahil bukas dadalo kami sa mga palaro para maging hurado."
"Dude,nagreport kasi ang tauhan ko diyan ,na may taong nag-a-aligid sa sa inyo.Kaya pakisuyo naman kay Marisol na matapos ng palaro bumalik na siya dito agad, dahil kailangan niya pumunta ng State para sa safety nilang mag-ina."
"Sure Dude,sasabihin ko rin Daddy."
"Dude,pati ikaw din mag-ingat dahil nalaman ko may nagpapa-imbestiga din sa'yo."diretsong saad ni Oscar
"Why?alam kung mayaman ang mga magulang ko pero bukod niyan wala na akong maisip na dahilan."konot-noo na saad ng binata.
"Sa ngayon palaisipan din sa akin,but don't worry Dude a-alamin ko.Basta mag-ingat kayong lahat diyan.May mga tao akong pinapunta diyan upang magbantay sa inyo.Huwag mo na sabihin kay Marisol sigugurado tatalakan ako niyan."
"Super thank you Dude,Ingat ka din diyan."sabay kagat labi nito.
"Betino bakit ganyan ang reaksyon mo?Si Oscar lang naman kausap mo,siguro crush mo no?"
Agad tumayo ng matuwid ang binata at hinampas ang Ama.
"Ikaw naman Dad,hindi naman agad matatanggal 'to pero sinusubukan ko naman Dad dahil gusto kung maging mabuting halimbawa sa anak ko."
Napangiti ang Ama dahil sa sinabi ng anak.Sige na bago tayo bumalik doon bukas mag-usap mo na tayo dahil hindi 'to biro.
Samantala galit na galit si J-rose dahil hindi natuloy ang plano niya sa binata.At nagsumbong pa'to sa Ama.
"Hello,Dad! pwedi ba isama mo na ang mga kaibigan ni Betino.I hate them."
"Anak,calm down.Hindi sila simple na tao lang,na pag pinapatay mo walang maghahanap.Basta focus ka lang sa ginagawa mo.Malapit na kayo magtagumpay ng kuya mo."Humalakhak 'to na parang demonyo.
"Basta Dad huwag mong sasaktan si Betino.I like him."Maarteng saad ni J-rose sa ama.
"Kaya nga sabi ko sa'yo gawin mo ang lahat para ikaw ang pakasalan niya.Sige na matulog kana and don't forget to inform me."
"Dad,Bakit may Marka na ekis si Oscar? hindi naman siya kasama diba?"
"No,Hijo! siya ang nagbukas ng kaso ng pamilya Oliver.At napag-alaman ko din na siya ang panganay na anak na ni Theodor.Kaya bago niya pa laman na ako ang nagpapatay sa Ama niya,u-unahin ko siya."
"Dad,please huwag mo na silang saktan dahil kayamanan lang naman ang habol mo, hindi ba?"
"Kahit kailan stupid ka talaga.Atupagin mo nalang ang Marisol na 'yon dahil walang makita na information ang mga tauhan ko sa kanya.Kaya nagduda ako na may lihim na secreto 'yan."
Kahit labag sa kalooban ng binata wala siyang magawa dahil sa kwento ng Ama nito.Ang pamilya Oliver ang dahilan bakit namatay ang Ina nila.
Goodmorning everyone! isa- isang kinatok ng Ginang ang mga silid upang tawagin na kumain.
"Gising na kayo?"pero nagtataka 'to bakit bawat pinto ay nakabukas na.Kaya tumakbo 'to pababa para ipaalam sa asawa.
"Mom,bakit kayo humahangos?"
"Betino,k-kasi nawawala ang mga kaibigan mo pati ang manugang ko."
"Mom,nakabihis na kaming lahat ikaw nalang ang inaantay,"natatawa saad ng binata sa Ina.
"Kainis kayo bakit hindi niyo man lang ako ginising."Uminom lang 'to ng gatas at kumuha ng bread sandwich at bumalik sa taas upang maligo at magbihis.
"Mga Beshy uminom muna tayo ng favorite na cappuccino natin."
"Marisol bawal kayo ni Tresh niyan dahil buntis kayo."saad ni Marie.
"Thank you Marie pero minsan lang 'to."
"Exactly Marisol.Sobrang masarap kaya 'to.Hindi Tulad ng Coffee kasing pait ng iba diyan."pasaring nito sa Binata.
Bago pa nakapagreact ang Binata.Inagaw na ng Ginang ang atensyon nila dahil narinig niya ang sinabi ni Tresh.
"Tama na iyan.Umalia na tayo!"saad ng Ginang.
"Mabuti pa nga Tita.Tara na." segunda naman ni Marga.
Mabilis lang sila nakarating sa pagdadaosan ng palaro.Silang magkakaibigan ang hurado.Tinawag sila ng Emcee na umupo na sila sa gitna.
"Dad ano ang ginagawa ni Nene,Inday at Toto diyan sa gitna?"
"Anak hayaan mo na.Taon-taon nilang ginagawa 'yan."
Tumahimik nalang si Bakz at nag focus sa mga manlalaro.
Sack race ang unang palaro.At ang isang pangkat ay binubuo ng grupo ni Nene.
"Guys handa na ba kayo? Pagbilang ko at pagsigaw ko nang takbo.Takbo na kayo"paliwanag ng Emcee.
Halos lahat nakahanda at todo suporta naman ang mga magulang ng binata sa pangkat nina Nene at Inday.
"O 'to na.Isa...dalawa..T-t-talo.."agad na tumakbo ang tatlong pangkat ngunit si Nene nakangiting parin naiwan sa linya samantala ang mga ka-grupo niya nagsisigaw na 'to na tumakbo na siya.
"Nene bakit hindi kapa tumatakbo?"naguguluhan tanong ng emcee.
"Ma'am sabi niyo po,isa..dalawa..tatlo..takbo,paano po ako tatakbo pang-apat ako, wala kanaman sinabi, kanina pa ako nag-aantay ng pang-apat na sigaw mo."
"Napakamot ng ulo ang Emcee at napatampal naman ng noo ang mga ka grupo niya.
"Isa.. dalawa.. tatlo.. apat..takbo."Agad naman tumakbo si Nene ng marinig ang apat."
Halos paliko na ang mga kalaban niya ngunit sadyang matalino 'to at tuso kaya naunahan niya.Ang dalawa sinabihan niya may pako sa unahan nila kaya napahinto mga 'to.At ang katabi niya naman ay matagal na 'tong nanliligaw sa kanya.
"Psst,Babe paghindi mo ako pinauna basted ka sa akin."Nang marinig ng binata ang sinabi ni Nene agad nito binagalan ang takbo.Kaya sila parin ang tinanghal na panalo.
Naging maayos ang palaro ngunit si Marisol hindi mapakali sa nakitang lalaki na kanina pa nakamasid sa kanila.