Chapter 14

1253 Words
Tinanghali na kami ng gising dahil sa ginawa namin kagabi.Pero si Daddy sadyang makulit at panay gising 'to sa amin dahil pupunta kami daw sa hospital para magpa-check up. "B-bakit magpapa-check lang tayo Dad,dalawang sasakyan ang dadalhin."nagtatakang tanong ni Bakz. "Anak baka nakalimutan mo na nasa airport na ang mga kaibigan mo." "Hala,nasaan ang Phone ko?" "Ito,kanina kasi pagpasok ko sa room mo para gisingin kayo.Nakita kung umi-ilaw ang phone, kaya sinagot ko 'to ng makita ko si Marisol ang tumatawag." "Mom,akala ko biro lang 'yon ni Marisol kaya binaliwala ko."paliwanag ni Bakz. "Sige lang sinabihan ko na sila magpapa-check up tayo." "Thank you Mom." Halos 45 minutes lang ang byahe nila mula sa bahay nila hanggang hospital.Pagdating sa hospital agad sila dinala ng assistant ni Dra.Manilyn sa Opisina nito "This way po Ma'am.Nakangiting saad ng Poging Nurse. Nakita 'to ni Tresh ang malalagkit na tingin ni Bakz sa Nurse kaya siniko niya 'to. "Umayos ka Maylabs kung ayaw mo ipatuli kita ulit." "Pwedi ba, halos pinagsawaan mo na nga ang katawan ko tapos tingin lang ayaw mo pa." "Mahiya ka naman sa anak natin."Inapakan ni Tresh ang paa nito at nakasimangot na pumasok. "O Hija nasaan si Betino?hilaw na ngumiti ang Ginoo dahil alam niya nagtatalo 'to kanina. "Nasa labas po.Naglalan..Hindi na natuloy ni Tresh ang sasabihin dahil pumasok na agad si Bakz at tiningnan siya ng matilim nito "Hi po Dra, nakita ko kasi J-rose sa labas kaya napatambay saglit."paliwanag nito. "Sinungaling,"pasaring ng dalaga. Lumingon silang lahat ng bumukas ang pinto.Hi,Tito and Tita.Nakwento kasi ni Bakz na andito kayo para magpa-check kay Tresh dahil naghihinala kayo na buntis 'to. "Yes, Hija!" maiksing sagot ng Ginang. Samantala si Tresh sobrang inis na inis na nang makita silang halos sabay pumasok. "Congrats Tresh," sabay biso 'to sa dalaga. "Plastik.Tama na nga yan baka mahawaan mo ako ng pagiging ahas mo." "Be happy for now,kasi huli sa akin parin siya."At kumalas na 'to sa pagkayakap sa dalaga. Pagkatapos basahin ang information about sa dalaga.Tinawag niya 'to para umpisahan na. "Hija,humiga kana dito."utos ng Dra. Pagkatapos pahiran ng Gel ang tiyan ni Tresh,inumpisahan niya na paikotin ang hawak nitong transducer probe. "Here she/he is."nakangiting hininto ng Dra. ang hawak niya. Nagpalakpak sa tuwa ang Ginoo at lumapit kay Tresh. "Thank you Hija.Super saya ko,dahil magkakaapo na ako." Samantala ang Ginang napayakap naman sa anak.Thank you anak.Sobrang proud ako sa'yo. Hindi na pagilan ni Bakz ang maluha dahil ng marinig ang heartbeat ng anak niya,naging mabilis ang pintig ng puso niya.Samantala si Tresh ang laki ng ngiti nito at tinaasan ng kilay si J-rose.Halatang galit 'to dahil biglang sumimangot. "Sige lang maging masaya ka lang ngayon dahil sisiguradohin ko,ikaw mismo ang lalayo sa kanya."bumubulong 'to sa sarili habang sobrang saya ng tatlo. "Congrats ulit Tresh."Lalabas na ako dahil may pasyente din ako."Alibay nito. Pagkatapos nang ilang minuto.Dumiretso na sila sa airport upang sunduin ang mga kaibigan. Simula sa airport hanggang sa pag-uwi,walang tigil silang naghaharutan.Pagdating sa bahay agad naman sila sinalubong nina Nene at Inday. Naku day grabe sila kaputi kag gwapa.Ako daw maubos na ang dahon kapayas sa akon sing kukus,ay kalooy daw buli man ko gyapon 't kaldero. Naku Ne,dapat nilagyan mo ng chlorine at bawat pinapaligo mo dahil hindi ka lang puputi sigurado,magiging mukhang multo ka pa. pang-aasar ni Toto. Pagkatapos nila kumain nagpahinga mas pinili nilang magpahinga muna dahil mamayang gabi pupunta sila sa sayawan. Nang malaman ni J-rose na buntis si Tresh sobrang Inis 'to.Umuwi 'to at dumiretso sa bahay ng uncle niya. "Tito please pumayag kana sa pabor na hinihingi ko." Hija,alam mo naman na malaki ang naitulong nang pamilya na 'yan sa lugar na 'to,maski sa kalapit bayan kaya parang hindi kk kaya. "Uncle please.Kung malaki ang utang niyo sa kanila,how about ang utang mo kay Daddy?ginamit ng dalaga ang nagawang tulong ng Daddy niya sa Uncle Robert niya.Pera kasi ng Daddy nito ang ginamit na pundo para sa kampanya niya. Bumuntonghininga ang Ginoo dahil sa ginagawang pangungulit ni J-rose. "Thank you Uncle."paghahandaan ko mamaya ang aming pagkikita dahil nasisiguro ko na maakit sa akin si Bakz. Pagsapit ng alas 7pm nang gabi halos mapuno ang munting Gym ng Baryo dahil nabalitaan nilang dadalo ngayon ang isang pinakamabait na sponsor nila ng abono sa palay kaya gusto nila 'to makita para magpasalamat ng personal at maghandog nang munting alay. "Beshy Marga,sayawan ang punta natin hindi beach." Naka crop top 'to at skirt nang maiksi. Samantala sina Marisol at Tresh ay leggings at malaking T-shirt na malaki lang ang suot. Naglakad lang sila papunta sa pinagraraosan ng Fiesta dahil marami naman sila. "f**k,ang ganda ng lugar na 'to dahil sobrang fresh ng hangin at ang babait ng tao" Pagdating sa loob ng Gym.Sa ibang mesa sila pina-upo samantala si J-rose ang laki ng ngiti niya dahil katabi nito si Bakz. "Tresh huwag kang magpatalo.Tutulungan kita." Ngumiti naman si Tresh dahil nakahanap siya ng kakampi "Darling siguro palipatin natin si Tresh dito."saad ng Ginang. "Sorry Kumpadre pero nakalaan lang talaga 'to sa limang tao." Hinawakan sa kamay ng Ginoo ang asawa para pakalmahin. "Magandang gabi sa lahat.Andito ngayon ang mabait natin kabaryo."at tinawag ang Ginoo upang magsalit sa Gitna. "Mr. and Mrs Reid maraming salamat sa 'nyo,dahil sa pagbibigay niyo ng suporta sa amin,dahilan naging maganda ang ani namin. Tumayo at yumuko ang Ginoo tanda ng pagtanggap ng pasasalamat nila. Samantala si J-rose panay kalabit 'to sa hita ni Bakz at pakindat-kindat pa 'to. "Ang init Mom,lalabas muna ako!" "Uncle naiinitan din ako.Gusto ko nang Milkshake." Nang dumaan ang lalaking inutusan ni J-rose agad 'to sinundan nina Marites,Inday at Nene. "Psstt, ako na ang maghatid niyan."saad ni Marites sa lalaki. Umupo sila sa labas at nag-abang sa lalaki "Ma'am 'to na po ang order ni Señorita." "Thank you.Sibat na.sabay abot ni Marites ng pera." "Ano ubrahan ta day?"aton na day imnon?tanong ni Nene. "Saan dito may kambing?"nakangising tanong ni Marites. Agad siya dinala ng dalawa sa may niyogan kung saan nagpapahinga ang mga kambing. Agad pina-ilaw ni Marites ang Flash light ng Phone nito at kumuha ng dumi nito at nilagay sa plastik. "Eww,kahaladlok naman 'to day."bulong ni Nene. Nang nakita na puno na ang plastik agad niya na niyaya ang dalawa para ihatid ang inumin. "Wow,may bago palang katulong Uncle." Pagdating sa mesa agad binigay ni Marites ang milkshake ni Bakz at kumindat 'to sa kaibigan.Napalunok naman si Bakz sa ginagawa ni Marites dahil alam niya na may kalokohan 'tong ginagawa. "Enjoy Dra. dahil sigurado ako magugustuhan mo ang lasa niyan."Mehheeeee. At bumalik na sa mesa nila na pangiti-ngiti. "Beshy totoo ba na nilagyan mo ng dumi ng kambing ang inumin ni J-rose?" Tumawa si Marites dahil sa reaksyon nila. "Obcourse no.May gagawin ako dito." Nang makita na pumunta sa gitna sina Bakz at J-rose para sumayaw,niyaya din ni Marites si Toto para magpagitna,una nahiya pa 'to. Habang sumasayaw ang dalawa,halos halikan na ni J-rose si Bakz dahil sa lapit ng mukha nito.Kaya sobrang inis 'to sa mga higad,palihim niya tinapon ang dumi ng kambing. Mga ilang miinuto lang ang nakalipas biglang nag-iba ang ihip ng hangin dahil naging mapanghi na. "Betino naamoy mo ba?panay yuko 'to dahil hinahanap kung saan.Nakaramdam siya ng biglang kumapal ang sapataos niya kaya kinapa niya 'to. "f**k, what is this? at inamoy 'to.Shitt paano napunta iyan dito?"tumakbo 'to palabas. "Kakagawan mo 'to noh?"tanong ni Bakz "Yes,kaya kung ako sa'yo,tumino ka." Pagkatapos iniwan na si Bakz sa gitna habang si Tresh sobrang inis kay Bakz dahil mukhang gusto naman ang ginagawa ni J-rose sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD