Chapter 19 Nasa kotse na silang dalawang mag-asawa at halos wala silang kibuan na dalawa habang daan. Masakit para kay Wesley ang makita itong ganito, sa totoo lang. Alam mo 'ba 'yong pakiramdam na kasama mo nga ang taong mahal mo pero wala sa'yo ang puso at isipan n'ya. Para s'yang hangin sa paningin nito na hindi nito makita o nahawakan man lang. Nilingon n'ya ang asawa at nakita n'ya na natingin ito sa bintana at tila wala sa pokus nito ang mga nakikita nitong tanawin na nadaraanan nila. Ni hindi nga nito napansin na ibang daan na ang tinutumbok nila. Nakita n'ya na nakatitig ito sa kaliwa nitong daliri, ang mismong singsing nila sa kasal nila kanina. Hinubad nito iyon ilang saglit pa at ibinulsa nito iyon. Nakagat ni Wesley ang labi sa ginawa nito at bahagyang nadiinan n'ya nang ta

