Kanina pa tahimik ang mag-asawa habang inaayos nila at iniisa-isa ang mga regalo na natanggap sa mga close family members ng bawat pamilya nila, at ilang mga kaibigan at kakilala ng Echivarri-Benzon nuptials. Kahit na napakasimple lang ng kasalan na naganap ay hindi rin naman naging dahilan iyon para hindi sila dumugin ng ilang mga kilalang personalidad sa business world ng bawat pamilya nila. Natigilan s'ya habang binubuksan n'ya ang isa sa mga nakakaakit na regalo na nakabalot sa kulay asul at may notes pa na nakasulat doon. Don't open it if you're not yet ready.. at may smiley pa iyon sa dulo. Walang nakalagay roon kung kanino ito nanggaling kaya na-curious s'yang buksan iyon. Nang mabuksan n'ya na nga iyon ay hindi s'ya nagkamali ng inakala dahil nakita n'ya iyon na isang kulay pula

