Hinintay ni Eunice na makabalik ang asawa ngunit nakatulog na lang s'ya at lahat ay hindi n'ya nakita maski na ang anino nito. Nilingon n'ya ang orasan sa tabi n'yang table at nagulat s'ya dahil alas-dos pasado na ng madaling araw. Hindi man niya ugaling mag-usisa sa "asawa" n'ya ay napukaw pa rin nito ang interes n'ya sa maaaring ginagawa nito at sa kung saan 'ba ito natutulog ngayon? Hindi 'ba s'ya nito masikmura kung kaya't mas minabuti na lang nito na hindi matulog dito sa kuwarto kung saan magkasama sila? O baka naman may pinuntahan lang talaga ang asawa n'ya. A secret relationship maybe? "No! Hindi n'ya ako puwedeng lokohin!" pagdadabog n'ya at hinablot n'ya ang jacket na nakasabit Sa kaisipang iyon ay tila gustong bumaliktad ang sikmura n'ya sa naisip na iyon. He can't leave her

