Nanahimik lang si Zeus. Walang sinabing kahit ano. Mahabang sandali na parang tuod lang ito sa tabi niya. Mayamaya ay kumilos ang lalaki, inakbayan siya at kinabig payakap. “Hindi mo naman sinabing hindi mo gustong maiwan,” banayad na sabi nito, hinagod-hagod ang likod at buhok niya. Sa ginawa nito ay namuo na naman tuloy ang mga luha niya. At paisa-isa na namang nangilid. “Hindi mo naman binanggit na aalis ka at hindi na babalik, eh.” Naramdaman niya ang paghinga nito nang malalim. “Sorry…” bulong nito, hinagkan siya ng mariin sa ibabaw ng ulo. “Akin na ‘yang phone mo.” “B-bakit?” “Ako na’ng magde-delete sa mga photos ng impakto at impakta.” Natawa si Ingrid pero hindi nagkaroon ng tunog. “‘Wag na. Ako na lang.” “Akin na,” pilit nito. “Hindi mo naman ide-delete ‘yan, ako na ang gag

