NATIYAK ni Ingrid kinabukasan na wala na talagang silbi ang napag-usapan nila ni Zeus na pagpapanggap. Magkakasama sila ng grupo ni Valerie na naglibot—mula sa Sky Ranch, sa People’s Park, sa mga simbahan hanggang sa Picnic Grove. Dalawang bagay lang naman ang ginagawa ng mga ito—kung hindi mag-selfie ay kumain. Ramdam ni Ingrid na nag-iba na nga ang pakikitungo ni Zeus kay Valerie. Hindi na halos naghihiwalay ang dalawa. Laging nakakapit si Valerie sa mga braso ni Zeus. Hindi na niya kinakitaan ng pagtutol ang lalaki gaya ng dati. Nakikipag-sabayan na rin ito sa ngiti ni Valerie. Pakiramdam niya tuloy ay wala na siyang lugar sa grupo. Ang naging role niya ay photographer ng mga mukhang koreana na walang pinipiling lugar para mag-pose. Ang couple na kasama nila ay napansin ni Ingrid na ta

