"Bukas na ba ang alis niyo?" Tanong sa akin ni Kuya habang nagtitimpla ng kape. Naupo ako sa barstool matapos akong kumuha ng tubig sa ref, "yes, Kuya. Ihahatid mo kami sa terminal, 'di ba?" Wala si Shania ngayon dahil may inasikaso raw. She cancelled her errands para bukas kaya ngayon siya naging busy. Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan niya, siguro sa coffee shop nila nung Jerick niya. Kuya chuckled because of what I said, "oo na, Savien. Ihahatid ko kayo. Anong oras ba ang nabook mong alis niyo?" "6 in the morning, Kuya. Kaya dapat 5:30 ay naroon na kami sa terminal. Kailangang maaga, eh," sagot ko at uminom ng tubig. Tumangu-tango si Kuya, "may gig ba kayo mamaya? Baka hindi mo kayaning bumangon nang maaga bukas," nag-aalalang tanong nito. "Wala, Kuya. Nagpaalam n

