"Ma'am, kanina pa po tumigil ang bus. Nandito na po tayo sa Nueva Vizcaya–" May narinig akong isang lalaking nagsalita pero parang may pumutol sa kaniya kaya natahimik siya. Hindi pa ako nagmulat ng mata dahil antok na antok pa rin ako. Buong byahe ata ay nakatulog ako. "Ay, sige po, madam. Take your time." Kahit inaantok pa ay minulat ko na lang ang mga mata ko at laking gulat ko nang makitang wala ng ibang tao dito sa loob ng bus kundi kami na lang ni Shania ang nakasakay. "Bakit hindi mo ako ginising?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko kay Shania. "Ang sarap ng tulog mo," sabi lang nito at tumayo na, hanggang ngayon ay hawak pa rin niya ang kamay ko, "tayo na," sabi nito at hinila pa ako nang mahina. "Kanina pa ba tayo nakarating?" Tumingin siya sa wristwatch niya bago a

