Bago pa man ako makasagot ay hinila na ako ni Shania palayo sa mga kasama namin hanggang sa makarating kami sa kwarto na tutulugan namin. Napasinghap at nagulat ako nang marahan niya akong sinandal sa pader. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang mukha niyang pulang pula na maging ang tenga niya, pumupungay na rin ang mga mata nito. Halatang lasing na nga. "Shania, what are you doing? Bakit mo ako hinila palayo do–" Natigilan at natahimik ako nang sinandal niya ang kanyang ulo sa kabilang balikat ko. Ilang sandaling ganoon ang ayos namin. "A-are you okay?" Napalunok ako nang muli niyang inangat ang ulo niya at tinignan ako sa mata. Seryoso at malamig na naman ang mga tingin niya sa akin. Pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa, kinilabutan ako nang ipasok niya ang isang k

