"Savien, practi-" Narinig ko ang boses ni Charles sa likod ko. Hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil siguro nakita niyang yakap yakap ako ni Christian. Agad akong lumayo at nagpunas ng luha saka walang sali-salitang pumasok sa loob ng ACB. "Let's start?" Tanong ko sa mga kabanda ko at nakita ng mga mata ko si Shania na prenteng nakaupo lang sa may couch. Tumingin siya sa akin, seryoso ang mga mata niya. Napakagat ko sa loob ng ibabang labi ko at ngumiti ng pilit. Naiiyak na naman ako, naiisip ko na naman iyong mga sinabi sa akin ni Christian. Lahat ng 'yon totoo pero ang sakit. "Savien?" Napalingon ako sa bagong pasok na si Charles. Para siyang nagtatanong, kunot ang noong nakatingin sa akin at tila nag-aalala. Ngumiti ako sa kanya, "start na tayo?" Tanong ko at naglakad

